• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ‘rapist’ na lolo, nalambat sa Calooocan at Valenzuela

NAGWAKAS na ang pagtatago ng dalawang manyakis na lolo na kapwa wanted sa kaso ng panggagahasa matapos makorner ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa Lungsod ng Valenzuela ang 82-anyos akusado na si alyas “Jose”.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, ang akusado ay nakatala bilang top 1 most wanted person sa San Andres Municipal Police Station (MPS) kaya inatasan niya ang Valenzuela Police Sub-Station (SS8) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa kanya.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng San Andres MPS at Catanduanes PPO, agad nagsagawa ang SS8 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5:00 ng hapon sa Block 5, Water Lily Street, Hobart Village, Barangay Ugong.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lelu P. Contreras ng Regional Trial Court Branch 43, Virac, Catanduanes na may petsang August 28, 2020, para sa kasong Rape as defined and penalize under Art. 266-A (2) of the RPC.

 

 

Samantala, alas-3:45 ng hapon nang masukol naman ng mga tauhan ni Caloocan police P/Col. Paul Jady Doles sa Stone Village, Bagumbong, Barangay 171 ang 63-anyos na si alyas “Kanor” na nakatala bilang top 1 most wanted person sa Naga City.

 

 

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Leo L Intia ng RTC Fifth Judicial Region, Branch 27, Naga City na may petsang June 6, 2019, para sa kasong Rape. (Richard Mesa)

Other News
  • Paggamit sa mother tongue sa pagtuturo hindi na ipagpapatuloy – Gatchalian

    Ngayong mandato na ng batas na hindi ipagpapatuloy ang paggamit ng mother tongue bilang medium of instruction o wika ng pagtuturo, hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin ang agaran at epektibong pagpapatupad nito.     Nakasaad sa Republic Act No. 12027 na hindi na ipagpapatuloy ang paggamit ng mother […]

  • Sparkle artist na ang kilalang ‘Bangus Girl’: Social media star na si MAY ANN, mas excited kesa ma-pressure sa first GMA series na ‘MAKA’

    MAY pressure mang nararamdaman pero mas excited ang social media star na si May Ann Basa o mas kilala bilang “Bangus Girl” para sa kauna-unahan niyang serye sa GMA, ang MAKA. Sa Gen Z series na MAKA, makakasama ni May Ann ang kapwa niya Sparkle artists na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, […]

  • PH COVID-19 cases pumalo na sa 471,526; nadagdagan ng 886: DOH

    Pumalo na sa 471,526 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).   Sa ikatlong sunod na araw, nag-ulat ang ahensya ng mababa sa 1,000 bagong kaso ng coronavirus. Ngayong Martes, nag-report ang DOH ng 886 new cases.   “9 labs were not able to submit their data to […]