2 RIDER, PATAY SA TRAILER TRUCK
- Published on July 13, 2022
- by @peoplesbalita
NASAWI ang dalawang rider nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga biktima na si Jake Tiburania,nasa hustong gulang ng 14 San Vicente St., Pineda, Pasig City at backride na si Brix Deuna Urot, nasa hustong gulang at nakatira sa 0009 Sitio Udioncan Macabud Rodriguez, Rizal.
Base sa ulat ng MPD-Traffic Enforcemen Unit, alas 3:15 Martes ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng UN Avenue kanto ng San Marcelino St, sa Maynila.
Sakay ang biktima ng Honda motorcycle at binabagtas ang westbound ng UN Avenue habang ang Tractor head na may trailer at may plakang DCQ6565 at minamaneho naman ni Randy Layda Y Luzano ng B10 L7 Paradahan 2 Tanza, Cavite ay binabagtas ang southward ng San Marcelino St.
Pagsapit sa intersection ng UN Avenue at San Marcelino, ang harapang bahagi ng motorsiklo ay nabangga ng tractor head kung saan tumilapon pa ng ilang metro ang mga biktima na nagresulta ng kanilang agarang kamatayan.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng tractor head at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
PBBM dadalo sa APEC Summit sa US
DADALO sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa Estados Unidos sa Nobyembre 2023 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez. “President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that […]
-
Seven years na ang relasyon nila ni Khalil: GABBI, ayaw magpa-pressure pero intimate wedding ang gusto
INAMIN ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na minsan na siyang naapektuhan sa mga kuwento at opinyon ng ibang tao tungkol sa kanyang boyfriend na si Jeric Gonzales. Nahirapan nga raw si Rabiya noong una sa relasyon nila ni Jeric dahil sa mga lumalabas na tsismis tungkol sa aktor. “First […]
-
‘Good luck’, wish ni PBBM sa mga Cambodia-bound SEAG athletes
“GOOD LUCK” Ito ang wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cambodia SEAG-bound athletes at officials matapos pangunahan ang isinagawang formal send-off ceremony sa Philippine International Convention Center sa Pasay, araw ng Lunes. Naniniwala kasi ang Pangulo na mahalagang suportahan ng lipunan ang sport o ang palakasan at dapat lamang na […]