• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 sa 3 holdper na bumiktima at sumaksak sa mister, timbog

SA kulungan ang bagsak ng dalawa sa tatlong holdaper na nambiktima at sumaksak sa 50-anyos na mister matapos masakote ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City.

 

 

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jessie”, 27, ng Kasarinlan St. Brgy. Muzon at alyas “Edison”, 20, ng Manapat St. Brgy., Tañong habang tinutugis pa ng pulisya ang isa nilang kasama.

 

 

Sa imbestigasyon nina P/SSg. Bengie Nalogoc at P/SSg. Michel Oben, habang naglalakad pauwi ang biktimang si alyas “Romel” ng Brgy. 8, Caloocan City dakong alas-2:30 ng madaling araw nang huminto sa kanyang harapan ang motorsiklong sinasakyan ng mga suspek sa Dagat-Dagatan Avenue corner P. Aquino St., Brgy. Longos saka tinutukan siya ng patalim sabay nagdeklara ng holdap.

 

 

Tinangka namang pumalag ng biktima na naging dahilan upang tarakan siya sa mukha ni ‘Jessie’ gamit ang isang barbecue stick, sabay hablot naman ng isa pang suspek sa dala niyang sling bag na naglalaman ng P3,200 cash.

 

 

Matapos nito, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Pinagsabugan Street habang humingi naman ng tulong ng biktima sa pulisya na agad nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang holdaper. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads September 2, 2022

  • ‘Price ceiling’ sa mga bilihin hirit sa ika-9 linggo ng oil price hikes

    NANAWAGAN na ng “price ceiling” ang ilang magsasaka’t consumer sa Department of Trade and Industry (DTI) para mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng ikasiyam na sunod na linggong pagtaas ng presyo ng langis — ito habang sinasakop ng Russia ang Ukraine.     Lunes nang sabihin ni Bangko Sentral ng […]

  • Mas maraming pondo mula ‘22 budget ang magamit para sa ‘Odette’ rehab, utos ng pamahalaan

    NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mas maraming pondo mula sa panukalang national budget para sa 2022 ang magamit para sa “response and recovery efforts” sa mga lugar na hinagupit ni bagyong Odette.   Binanggit ng Pangulo ang hangarin niyang ito nang personal niyang bisitahin ang mga typhoon-affected areas sa Cebu at Bohol, araw […]