2 TIMBOG SA HIGIT P200K SHABU
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
DALAWANG hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Navotas Cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-3:40 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal drug trade sa Malasuerte St. Brgy. 146.
Nang respondehan ng mga pulis, naabutan ng nila ang dalawang indibidwal kaya’t kinumpronta ng mga ito dahil lumabag sa curfew hours subalit, mabilis nagpulasan ang dalawa.
Hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner ang 16-anyos na binatilyo at nakumpiska sa kanya ang tatlong plastic sachets na naglalaman ng 1.68 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P11,424 ang halaga.
Nauna rito, alas-11:40 ng gabi nang masakote din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU team sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang tulak umano ng droga na si Ronnie Altirado, 50, ng Grace Park Brgy. 120, Caloocan sa buy-bust operation sa R-10 Brgy. NBBN, Navotas city.
Ayon kay Col. Rolando Balasabas, nakumpiska kay Altirado ang aabot 32 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P217,600 ang halaga at P300 buy-bust money. (Richard Mesa)
-
Department of Health , nakapagtala ng 593 na kaso ng chikungunya
NAKAPAG-ULAT ang Department of Health (DOH) ng halos 600 kaso ng chikungunya sa buong bansa. Ang pinakahuling Disease Surveillance Report ng DOH ay nagpakita na mayroong 593 kaso na naiulat mula Enero 1 hanggang Disyembre 3. Ang bilang ay 566 porsyento na mas mataas kaysa sa 89 na kaso ng chikungunya […]
-
6 Para athletes lalaban sa gold
Ipinangako ng anim na miyembro ng Team Philippines na ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kauna-unahang gold medal sa Paralympic Games. Sasabak sina powerlifter Achelle Guion (powerlifting), taekwondo jin Allain Ganapin (taekwondo), Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda (athletics), Ernie Gawilan at Gary Bejino (swimming) sa Paralympics sa Tokyo, Japan sa […]
-
Pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa, inaasahan na- Dr. Solante
INAASAHAN na ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante ang pagtaas ng kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ani Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na stereotypes ng sakit ang naririto sa Pilipinas. Ito aniya ay ang DENV-1, DENV-2, […]