• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal St. Brgy. 28.

 

Ayon kay Col. Menor, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dagat-Dagatan Ext. cor Torcilio St. Brgy. 28, ng lungsod.

 

Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P40,000 halaga ng shabu.

 

Nang iabot ng mga suspek ang isang knotted tied plastic bag ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nasa P340,000 ang halaga, 1 pc tunay na P,1000 na kasama sa 39 pcs P1,000 na ginamit bilang boodle/buy-bust money at isang kulay green Honda Civic (WAY-742).

 

Kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 26 Art II ng RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Maraming Pinoy kulang ang tiwala sa vaccination program ng bansa- SWS

    Marami pa ring mga Filipino ang nagtitiwala sa vaccination program ng gobyerno laban sa COVID-19.     Ito ang lumabas na restulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).     Base sa survey na mayroong 51 percent ng mga Filipino adults ang nagtitiwala sa programa ng gobyerno na kinabibilangang ng 18 percent […]

  • Didal tuloy ang ensayo

    PATULOY sa puspusang pagti-training si skateboarding star Margielyn Didal para sa mga Olympic Qualifying Tournament (OQT) at mapasama sa naurong sa 2021 na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.   Tinatiyaga ng Indonesia 2018 Asian Games women’s champion ang nadadaanang railings sa kanyang bayan sa Cebu upang maisagawa ang mahihirap na tricks habang […]

  • Kung wala sa minutes, fake news

    PINABULAANAN ng Commission on Elections (Comelec) ang bali-balitang “may marka na” ang ilang balotang ibinigay sa ilang botante sa pagsisimula ng overseas absentee voting ng mga Pinoy abroad.     Lunes nang ibalita ng Singapore-based voter na si Cheryl Abundo na may shade na agad ang nakuha niyang balota nang boboto sana para sa 2022 […]