2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN
- Published on September 18, 2020
- by @peoplesbalita
DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal St. Brgy. 28.
Ayon kay Col. Menor, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dagat-Dagatan Ext. cor Torcilio St. Brgy. 28, ng lungsod.
Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P40,000 halaga ng shabu.
Nang iabot ng mga suspek ang isang knotted tied plastic bag ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.
Narekober sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nasa P340,000 ang halaga, 1 pc tunay na P,1000 na kasama sa 39 pcs P1,000 na ginamit bilang boodle/buy-bust money at isang kulay green Honda Civic (WAY-742).
Kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 26 Art II ng RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Sixers, pinutol ang 7-game winning streak ng Clippers
Nagbuhos si Joel Embiid ng 36 points at 14 rebounds para tulungan ang Philadelphia 76ers na pahiyain ang Los Angeles Clippers, 106-103. Nagawang putulin ng 76ers ang pitong sunod-sunod na panalo ng Clippers para magpantay na sila sa tig-39 na panalo ngayong season. Nabaliwala rin naman ang ginawang kayod nina Paul […]
-
PBA 2nd conference tuloy!
Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports. Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga foreign imports na darating sa bansa. […]
-
Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy
Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson. Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila. Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]