• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak arestado sa higit P.4 milyon shabu sa Valenzuela

Mahigit sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos masakote sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, bandang 8 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos kontra kay Joel Casuple alyas Belok, 41, malapit sa kanyang bahay sa Purok Orosco St. Mapulang Lupa.

 

 

Nang tanggapin ni Casuple ang P2,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang nasa 60 gramo ng shabu na tinatayang nasa P408,000.00 ang halaga, buy-bust money, P2,000 bills, at cellphone.

 

 

Dakong 9:30 naman ng gabi nang masunggaban din ng mga operatiba ng SDEU si Jovert Bugna, 33 ng Candido St. matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Cunanan St., Mapulang Lupa.

 

 

Ani SUDE investigator PSSg Carlito Nerit ,Jr., narekober sa suspek ang nasa P3 gramo ng shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, marked money, cellphone at P400 bills.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) PBGen. Eliseo Cruz ang Valenzuela Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ortega dahil sa matagumpat na operasyon kontra sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Rally ni Robredo sa Negros Occidental dinaluhan ng 100K supporters

    MAHIGIT 100,000 katao ang dumalo sa iba’t ibang pagtitipon ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa Negros Occidental noong Biyernes, kabilang ang grand rally sa Paglaum Stadium sa Bacolod City na dinaluhan ng 70,000 supporters.     Ayon kay Negros Occidental provincial administrator Rayfrando Diaz, ang bilang ng tao sa loob ng Paglaum […]

  • LTO, CARMONA CITY LGU lumagda sa interconnectivity agreement

    MALAPIT nang ma-access ng Lungsod ng Carmona, Cavite ang pangunahing impormasyon ng mga sasakyan na kinakailangan para sa epektibong pagpapatupad ng mga batas-trapiko, matapos lagdaan ang kasunduan sa interconnectivity kasama ang Land Transportation Office (LTO).     Binigyang-diin ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa mga local […]

  • Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’

    KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET).     Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa […]