2 ‘tulak’ isinelda sa P68K droga sa Valenzuela
- Published on March 2, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng madaling araw.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PEMS Restie Mables sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Cpt. Ronald Sanchez.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa kanilang target na si alyas “Joel” ng P8,600 halaga ng droga.
Nang tanggapin ni “Joel” ang isang P500 bill marked money na may kasamag 8-pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ng kanyang kasabwat na si alyas “Archie” dakong alas-2:40 ng madaling araw sa M.H Del Pilar St., Brgy., Malanday.
Ani PEMS Mables, nakumpiska sa mga suspek ang aabot 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000 at buy bust money.
Kasong paglabag sa sections 5 at 11 under Article II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isasampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Customs nagsampa ng reklamo vs ‘pag-aabandona’ sa 7,000 Balikbayan boxes
NAGSAMPA na ng reklamong kriminal ang Bureau of Customs (BOC) laban sa ilang consolidators at deconsolidators na nag-abandona raw sa mahigit 7,000 padala ng overseas Filipino workers bago ang Pasko. Ibinahagi ito ng Customs, Miyerkules, sa isang pahayag na ipinaskil sa kanilang opisyal na Facebook page. Ilan sa mga consolidators at deconsolidators na humaharap sa […]
-
212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng […]
-
Ads March 10, 2023