• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 tulak nalambat sa P24 milyong marijuana sa Navotas

NASAMSAM ng mga awtoridad ang tinatayang nasa P2.4 milyon halaga ng marijuana sa dalawang hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naares­tong mga suspek na sina Ali James Erese alyas “Ali”, 20 ng 99 4E Hermosa St., Brgy. 200, Manila at Joseph Raven Cotejo, 22 ng Wawa 3 Salinas Rosario Cavite.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy-bust operation sa Sitio Sto Nino Brgy. NBBS Proper kung saan isang undercover police ang nagawang makipag­transaksyon sa mga suspek ng P14,000 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang malaking brick ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 20 kilo’s ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may Corresponding standard drug price (SDP) P2,400,000.00, buy-bust money na dalawang tunay na P1,000 bills at 12 pirasong P1,000 boodle money, plastic bag, duffle bag, north face hiking bag at cellphone.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO Chief PMGEN Vicente Danao Jr, ang Navotas PNP sa ilalim ng pamumuno ni Col. Ollaging dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng naturang illegal na droga.

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM may malakas na mensahe sa China

    NAGPADALA ng matinding mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa gobyerno ng China nang utusan nito ang Philippine Coast Guard (PCG) na putulin ang mga lumulutang na 300-meter buoy na inilagay ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.     Ito ang inihayag ni Professor Renato De Castro ng La Salle International Studies. […]

  • Pangulong Marcos ‘di dadalo sa Peace Summit ni Zelenskyy

    IPAPADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Adviser on Peace, Reconcialia­tion and Unity Carlito Galvez, bilang kinatawan ng Pilipinas sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland.         Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), subalit hindi naman tinukoy kung bakit hindi makakadalo si Pangulong Marcos sa naturang summit.       […]

  • Ads May 20, 2022