• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 ‘tulak’ tiklo sa P224K shabu sa Caloocan at Valenzuela

TIMBOG ang dalawang umano’y tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, dakong alas-12:08 ng tanghali nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables sa buy bust operation sa BMBA Compound, 3rd Avenue, Brgy 118, si alyas ‘Cecil’, 39.

 

 

 

Nakumpiska sa suspek ang himigi’t kumulang 11 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P74,800.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Sa Valenzuela, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Joselito Suniega sa buy bust operation sa Bagumbong Road, Brgy. Bignay dakong alas-5:15 ng umaga si alyas ‘Regor’.

 

 

 

Sa report Lt. Suniega kay Valenzuela police chief Col. Nixon Cayaban, nakuha sa suspek ang nasa 22 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P149,600, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang walong pirasong P1,000 boodle money, P300 recovered money at cellphone.

 

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang C aloocan at Valenzuela police sa kanilang matagumppay na operasyon kontra droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Fernando, nagpaalala na umiwas sa paglusong sa baha na posibleng magdala ng Leptospirosis

    LUNGSOD NG MALOLOS– Bukod sa COVID-19 at Dengue, mariing ipinaalala ni Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na iwasan ang paglangoy, paliligo at paglusong sa baha o gumamit ng proteksyon kung hindi maiiwasang ma-expose sa tubig na posibleng kontaminado ng Leptospirosis.     “Lahat ng sakit na meron tayong magagawa talaga para maiwasan, iwasan na […]

  • China handang makipagtulungan sa North Korea para sa regional at global stability

    HANDA si Chinese President Xi Jinping na makipagtulungan kay North Korean leader Kim Jong Un para sa regional and global peace, stability and prosperity ng North Korea.     Ito aniya ang laman ng sulat na ipinadala ng lider ng China sa North Korea.     Hindi na rin binanggit pa ng North Korea ang […]

  • Never naisip na mag-join ng beauty pageant: RHIAN, walang poise, composure at emotional control

    UMALIS ang soon-to-be parents na sina Kris (Bernal) at Perry Choi for South Korea for their ‘babymoon’ bago nila officially i-welcome ang kanilang baby girl. IG caption ni Kris: “Babymoon. A last hurrah before baby comes. See you in a bit, Korea!”     Excited si Kris dahil May 17 ang birthday niya at doon […]