• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 TULAK TIMBOG SA HIGIT P.6M SHABU

MAHIGIT sa P.6 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak umano ng illegal na droga na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-12:50 ng Miyerkules ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa 419 Barrio Sta Rita North, Brgy. 188, Tala, Caloocan si Jomel Pineda alyas Kuya, 42, tricycle driver.

 

Narekober sa suspek ang aabot sa 15 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P102, 000 ang halaga, digital weighing scale, at P500 buy bust money.

 

Nauna rito, natimbog din ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni PLT Ronald Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Fernando Ortiga si Ryan Catayna, 37 ng 7051 Avocado St. Comembo Makati City sa buy-bust operation sa Elysian St. Brgy. Marulas, Valenzuela city.

 

Ayon kay SDEU investigator PSSg Ana Liza Antonio, binentahan ng suspek ng isang pack ng shabu na nagkakahalaga sa P16,000 si PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer kaya’t agad itong inaresto ni PSSg Gerry Dacquil.

 

Nakuha sa suspek ang aabot 75 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P510,000 ang halaga, P1000 na nakabugkos sa 15 piraso ng P1000 boodle money, 27 piraso ng P100, cellphone, digital weighing scale at kulay itim na motorsiklo (NI 1560). (Richard Mesa)

Other News
  • Balik-primetime series na sa ‘Maria Clara at Ibarra’: BARBIE, masaya na muling makakasama ang favorite actor na si DENNIS

    IWI-WELCOME ni Ruru Madrid tonight, August 15, ang cast na bubuo sa ‘Lolong: Ang Bagong Yugto,’ na sina Vin Abrnica, Thea Tolentino, Alma Concepcion, Rafael Rosell at Lucho Ayala.      Makakasama nila ang mga original cast na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Bembol Roco, Malou de Guzman, Rochelle […]

  • Judy Ann at Kathryn, napipisil na gumanap: Life story ni CHARO, gustong isa-pelikula ni Direk DARRYL

    NAIS ng direktor na si Darryl Yap na magpahinga muna sa paggawa ng pelikulang tungkol sa mga pulitiko.   Tatapusin lamang niya ang pangatlong bahagi ng trilogy niya sa buhay ng mga Marcoses at lilinya muna siya sa ibang personalidad.   “Politician I would like to take a rest muna,” ang natatawang umpisang sinabi ni […]

  • Ads December 11, 2020