• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU

DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., at Percival Dela Cruz, 39, ng No. 17, M. Cabre St., kapwa ng Brgy. San Roque, ng lungsod.

 

Ayon kay Gen. Ylagan, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang buy-bust operation sa Brgy. San Roque kontra sa mga suspek makaraan ang ilang serye ng surveillance sa kanila.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P5,000 halaga ng shabu.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 104 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P707,200 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at apat na P1,000 boodle money, 2 cellphones at digital weighing scale.

 

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM, inaasahan sa bagong liderato ng Philippine Airforce na ipagpapatuloy ang pagsisikap na mapanatili ang “excellence” sa Hukbong Panghimpapawid

    UMAASA  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mapananatili ng bagong pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ang “excellence” at dangal sa Philippine Air Force.     Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force.     Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng  bagong liderato […]

  • Single ticketing system sa NCR, sisimulan na sa Abril

    INAASAHANG  masisi­mulan na sa buwan ng Abril ang implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR). Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC), ang nag-anunsiyo ng naturang development matapos ang pulong na idinaos ng council. Nabatid na inaprubahan na rin naman ng MMC […]

  • 19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE

    MAHIGIT  19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa  National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng […]