• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 TULAK TIMBOG SA P1-MILYON SHABU SA NAVOTAS

NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Lean Balauro, 32, (Pusher/listed), at Dave Abila, 25, kapwa ng C. Perez, Samatom Brgy. Tonsuya, Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr., dakong alas-10:52 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr. ng buy-bust operation sa kahabaan ng C4 Road., Brgy. Bagumbayan North.

 

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P10,000 halaga ng droga.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00, buy-bust money na isang tunay na P1,000 bill at 9 pirasong P1,000 boodle money, P300 cash at belt bag.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa) 

Other News
  • Malakanyang, umaasang pagpasok pa lamang ng 2021 mayroon nang maaprubahang Covid-19 vaccine ang FDA-abroad

    NANANALIG ang Malakanyang na pagpasok pa lamang ng buwan ng Enero ng susunod na taon, ay mayroon nang ma-aprubahang Covid19 vaccine ang food and drug administration sa ibang bansa makaraan ang third at final clinical trial.   Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naunang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa […]

  • Incoming DSWD chief Tulfo, gustong itaas sa P1,500 ang monthly pension ng indigent seniors

    SINABI ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Erwin Tulfo na ipapanukala niya na itaas ang social pension ng mga indigent senior citizens sa P1,500 mula sa P500 sa oras na maupo na siya sa puwesto sa ilalim ng incoming Marcos administration.     Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binigyang diin […]

  • Ads October 22, 2022