2 VINTAGE BOMB, NAKUHA SA CAVITE SHOAL
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAINGAT na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal, Cavite.
Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 kamakalawa ng umaga.
Pinayuhan naman ng PCG ang crew na itigil ang operasyon at maingat na ikordon ang lugar.
Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa nasabing bisinidad ng baybayin sakay ng PCG vessel 271 at Metal Shark 1102 upang nagsagawa ng safety explosive handling procedure upang maiwasan ang pagsabog.
Nang makuha ang bomba dinala ito sa tamang lokasyon ng disposal sa Manila upang naiwasan ang anumang panganib. (GENE ADSUARA)
-
Grupo ng mga PUJ, magbabawas ng biyahe at designated stops’
DAHIL na rin umano sa nagbabadya na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa ika-11 sunod-sunod na linggo, mapipilitan na raw ang mga driver ng public utility jeepneys (PUJs) na magbawas ng kanilang mga biyahe. Ito ay para makatipid sa pera at krudo. Sinabi ni 1-UTAK chair Atty. Vigor […]
-
PBBM, naniniwala na ‘Filipino hospitality’ ang nagmamaneho sa turismo sa Pinas
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mamamayang Filipino na ipagpatuloy lamang ang kanilang nakaugaliang tunay na mainit na pagtanggap at mabuting pakikitungo sa mga bisita para makatulong na isulong ang paglago at ang kabuuang economic development. Sa kanyang pinakabagong vlog, ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano palaging itinatanong ng mga […]
-
COVID-19 cases sa bansa nasa 3,749, highest sa halos kalahating taon
Nakapag-ulat ang Department of Health (DOH) ng 3,749 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ngayong Huwebes, bagay na nag-aakyat sa kabuuang local infections sa 607,048. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 607,048 nagpapagaling […]