2 WALANG FACE MASK KULONG SA P126K SHABU SA CALOOCAN
- Published on September 28, 2021
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Samuel Mina Jr, ang naarestong mga suspek na sina Richard Cenon alyas “Empoy”, 46, at Emar Villanueva, 44, pintor, kapwa ng 154, Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Mina, nagsagawa ng verification ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni PLT Julius Villafuerte hinggil sa natanggap na text message mula sa concern citizen na ipinadala sa NCRPO SMS hotline “Isumbong mo kay RD!”.
Pagdating sa Consejala St., Brgy. 154, Bagong Barrio dakong alas-12:20 ng madaling araw ay nakita ng mga pulis ang dalawang nakatayong lalaki na walang suot na face mask.
Nang lapitan ng mga pulis upang alamin ang kanilang pagkakilanlan para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR) ay tumakbo ang mga suspek kaya’t hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner at maaresto.
Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang 6 na sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 18.66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P126,888.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Walang pagbabago sa terminal assignments sa NAIA sa ngayon
HINDI pa mababago sa ngayon ang mga terminal assignments sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ayon sa mga Philippine air carriers. Sinabi ito ng mga airlines matapos na magkaroon ng announcement ang bagong operator ng NAIA na magkakaroon ng posibleng terminal reassignments pero sa darating pa na panahon. Ang Cebu Pacific […]
-
LTO: Gagawin digital na ang pagbibigay ng traffic citation tickets
MAY plano ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng libong handheld devices sa mga traffic enforcers ng LTO upang maging digitalize ang pagbibigay ng citation tickets sa mga lumalabag sa batas trapiko. Ang mga devices na nasabi ay gagamitin ng mga LTO enforcers upang magbigay ng automatic electronic temporary operator’s permit (TOP) sa mga […]
-
Pinaratangan ng netizens dahil maganda ang hugis ng ilong: RYZA, naaaliw at natatawa na lang sa tsikang nagparetoke
BEST birthday raw para kay Heart Evangelista ang kanyang kaarawan ngayong taong ito. Ika-38th birthday ni Heart today, Valentine’s Day at ang ang hindi inaasahang pa-birthday surprise raw sa kanya ng kanyang Mister na si Senator Chiz Escudero ang mukhang nagpa-kilig kay Heart. Obviously, isa sa espesyal at memorable teleserye ni Heart […]