• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 walang suot na face mask, huli sa shabu

KULONG ang dalawang katao na nasita dahil sa hindi pagsuot ng face at paglabag sa curfew hour matapos makuhanan ng tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Rommel Dayao, 34, at Rominick Mirandilla, 31, kapwa ng 53 Del Rosario St. Brgy. Dampalit.

 

Sa imbestigasyon ni PMSg Randy Billedo, alas-3:30 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga barangay tanod ng Dampalit sa kahabaan ng Andal St. Merville Subdivision nang makita nila ang mga suspek na gumagala at kapwa walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordenance at sa ipinapatupad ng curfew hour.

 

Inaresto ng mga tanod ang dalawa at nang kapkapan ay nakuhanan ang mga ito ng tig-isang plastic sachet na naglalaman ng .42 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,856 ang halaga.

 

Kakasuhan ang mga naarestong suspek ng mga paglabag sa sec 11 Art of RA 9165 at City Odenance “No Face Mask” at “Curfew Hour” sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • International arriving Filipino passengers na gumaling sa COVID pinapayagan nang makapasok sa Pilipinas

    MAAARI nang pumasok sa Pilipinas ang mga Pinoy travellers na galing sa ibang bansa na gumaling na sa COVID subalit nagpopositibo pa din sa required pre-departure RT-PCR test.     Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kailangang lang na makapag- pakita ng medical certificate ang isang Pinoy international traveller na […]

  • Sparring ni Pacquiao level-up na!

    Mas lalong patataasin ni Hall of Famer Freddie Roach ang lebel sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Kabilang sa estratehiya nito ang paghamon sa lahat ng sparring mates na isasabak nito kay Pacquiao kung saan bibigyan ng mahusay na trainer ng pabuya ang […]

  • Bryan Quiamco hari ng Ho Chih Minh City International Marathon

    Giniyahan ni Bryan Quiamco ang pasabog ng Team Philippines 7-Eleven nitong Linggo sa 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 sa Vietnam.     Kumawala sa 3-man lead pack sa 33K mark ang 36 na taong-gulang na Pinoy na tubong Kawit, Kauswagan, Lanao Del Norte pero residente na ng Roosevelt, Tibanga, Iligan City upang […]