2 wanted persons, nasilo ng Valenzuela police
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWANG wanted persons, kabilang ang isang bebot ang nadakip ng pulisya sa magkahaiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy., Maysan ang presensya ng 57-anyos na mister na akusado dahil sa kasong homicide.
Inatasan ni Col. Cayaban ang Detective Management Unit (DMU) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na kabilang sa talaan ng mga most wanted persons sa lungsod.
Kasama ang mga tauhan ng R-PSB Team 12 ng Northern Police District (NPD), agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang DMU na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-11:40 ng umaga sa Maysan Service Road, Brgy., Maysan.
Binitbit ng mga tauhan ni Col. Cayaban ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City noong November 5, 2024, para sa kasong Homicide.
Alas-4:00 ng hapon nang maaresto naman sa San Agustin St., Brgy. Karuhatan ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section(WSS) ng Valenzuela police ang 29-anyos na bebot na wanted sa kaso ng pagbebenta ng ilegal na droga.
Ang akusado ay dinakip ng mga tauhan ni Col. Cayaban sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge RTC Branch 200, Las PiƱas City noong October 3, 2024, para sa paglabag sa Sec. 5 of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).
Pinuri naman ni NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga akusado. (Richard Mesa)
-
Mga nurse sa bansa in-demand pa rin sa abroad -DOLE
NANANATILI pa ring in-demand ang mga Filipino nurses sa ibang bansa kahit na may ipinapatupad ang gobyerno ng temporary ban dahil sa COVID- 19 pandemic. Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na masipag ang mga Filipino nurses kaya in-demand pa rin ang mga ito sa ibang bansa. […]
-
Bagong CA Justice, isang Malacanang official
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senior Deputy Executive Secretary Michael Pastores Ong, isang Malacanang official bilang bagong Associate Justice ng Court of Appeals. Pinalitan ni Ong si Samuel Gaerlan na ngayon ay SC Associate Justice Si Ong , nagsilbi ng 15 taon sa gobyerno ay pinangalanan bilang bagong associate justice base […]
-
Mga lugar na nasa lockdown sa QC nadagdagan pa; occupancy rate sa 3 hospitals 100% na
Muling nadagdagan ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa special concern lockdown sa Quezon City. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 53 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. Sinabi ni Belmonte na partikular […]