2 WANTED SA MURDER, TIMBOG NG MARITIME POLICE
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago sa batas ng dalawang lalaking wanted sa kasong murder matapos masakote ng mga tauhan ng Maritime police sa magkahiwalay na operation kontra wanted person sa Navotas at Quezon cities.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police (MARPSTA) head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Noe Alaquiao alyas “Utoy”, 29, mangingisda ng Blk 29 Lot 8 Squatter Area, Palengke St. Brgy. NBBN.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga tauhan ng MARPSTA ng impormasyon na nakita ang suspek sa Navotas Fish Port Complex (NFPC) kaya’t agad bumuo ng team ang mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PCPT Luisito Balatico sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Ludovice, kasama ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas Police sa pangunguna ni PSMS Normito Tapon.
Dakong alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ng operation ang pinagsamang mga tauhan ng MARPSTA at WSS sa Palengke St., NFPC na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Hon. Zaldy B Docena ng RTC Branch 170 ng Malabon city dahil sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, natimbog din ng pinagsamang team ng MARPSTA, WSS ng Navotas Police at Special Operation Unit 3 sa hiwalay na operation dakong alas-6:30 ng gabi sa Riversside St., Unit 3, Brgy. Commonwealth, Quezon city si Alger Cervantes alyas “Tricks”, 25, electrician.
Si Cervantes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Madonna Echiverri, Presiding Judge, RTC Branch 80 ng Quezon City para sa paglabag sa Article 248 (Murder) na walang inirekomendang piyansa. (Richard Mesa)
-
Guillermo: Ang Handog ng Obra, dinominaang 4th SINEliksik Bulacan and Docu Special
NAGWAGI ng apat na pangunahing gantimpala at nag-uwi ng P170,000 premyo ang dokumentaryong “Guillermo: Ang Handog ng Obra” sa ikaapat na SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa lungsod na ito. Nagwagi ng Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, at Best […]
-
30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara
SUPORTADO sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa. Pinuri rin ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin […]
-
GUMAWA NA NG HAKBANG KONTRA OMICRON COVID VARIANT
PINAKIKILOS na ng World Health Organization (WHO) ang gobyerno na gumawa ng mga depensibong hakbang laban sa Omicron COVID-19 variant. Ang panawagan ng WHO ay Dahil kumalat na ang nasabing variant sa iba pang mga bansa. Hinikayat ng WHO ang mga bansa na rebyuhin ang kanilang pagtugon o national response […]