2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan
- Published on May 3, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 51 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P346,800.00 at buy bust money na isang P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyona ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek kaya isinailalim nila ang mga ito sa validation.
Nang makumpirma ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa mga suspek dakong alas-2:06 ng madaling araw sa BMBA Compound, Barangay 120, matapos bintahan ng P6,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
PBBM, dumating na sa Melbourne para sa ASEAN-Australia Special Summit
DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne, Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit. Mainit na sinalubong ng mga Australian government officials si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine delegates. Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Pangulo at ng kanyang entourage sa Melbourne […]
-
KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso
KINUPKOP ng Kalanguya tribe ng Nueva Vizcaya si Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa pamamagitan nang pag-alay ng isang native ritual sa kanya sa munisipyo ng Santa Fe noong nakaraang Sabado. Ang ritwal ay pinangunahan ng council of leaders and ni Santa Fe Mayor Tidong Benito. Kasabay nito, ang […]
-
Ads February 27, 2020