• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 barangay chairmen kinasuhan na dahil sa paglabag sa COVID protocols – DILG

Inaasahan na maraming mga barangay opisyal at mga namumuno sa iba’t-ibang mga siyudad at munisipalidad ang sasampahan ng reklamo Department of Interior and Local Government (DILG).

 

Kasunod ito sa pagrekomenda ni DILG Secretary Eduardo Año sa Office of the Ombudsman na sampahan ng kaso ang nasa 20 barangay opisyal ng Metro Manila.

 

Sinabi ng kalihim na hindi nila palalagpasin ang mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay.

 

Kinabibilangan ang mga ito ng 20 punong barangays kung saan lima rito ay mula sa Caloocan City, lima sa Quezon City, dalawa sa Paranaque City, at tig-iisa sa Mandaluyong City, Las Pinas, Manila City, Makati, Pasay City, Taguig City, Marikina City at Muntinlupa City.

 

Mismong si DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang sumulat kay Ombudsman Samuel Martires.

 

Ilan sa mga kasong kinasasangkutan ng mga ito ay ang paglabag sa implementasyon ng physical distancing, pagsasagawa ng sabong, pagsusugal, mahinang implementasyon ng lockdown protocols at negligence of duty at iba pa.

 

Inilapit naman na nila sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group para sa pagsampa ng kaso sa mga anomalya na may kinalaman sa Social Amelioration Program. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Symbolic vaccine rollout’ ilulunsad sa A4 priority group sa June 7: Galvez

    Maglulunsad ng “symbolic vaccine rollout” ang pamahalaan sa June 7, Lunes, para sa ilang indibidwal na pasok sa A4 priority group.     Ito ang inamin ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., kasabay ng inaasahang pagsisimula ng pagbabakuna sa hanay ng mga manggagawa ngayong buwan.     Bukod sa national government, maglulunsad din daw […]

  • 5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez

    INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto.   Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr.   Ani Galvez, inaasahan niyang […]

  • Hanoi SEA Games papayagan ang mga audience na manonood sa mga laro

    PAPAYAGAN na ang mga audience na manood ng iba’t-ibang laro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kinumpirma ito ni Philippine delegation chief of mission Ramon Fernandez matapos ang ginawa nilang final meeting bago ang pagbubukas ng biennial games sa Mayo 12.     Dagdag pa nito na papayagan ang mga tao […]