• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20% discount sa mga gov’t certificates at clearances para sa job applicants, isinulong sa Senado

NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. na naglalayong bigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang bawat mahirap na Pilipino para sa kaukulang dokumento na kakailanganin sa kanilang pag-a-apply ng trabaho.

 

 

 

Ito ang Republic Act No. 11261 o ang ‘First Time Jobseekers Assistance Act’ na na makakatulong sa bawat mahihirap na kababayan para mapagaan ang kanilang mga gastusin sa pag-aaply ng trabaho na isa sa dahilan kaya tumataas ang bilang ng walang trabaho.

 

 

 

Ayon kay Revilla, lahat ng kompanya maging pribado man o pampubliko ay nangangailangan ng legal na dokumento na kailangang isumite ng mga aplikante mula sa mga ahensiya ng pamahalaan at lahat ito ay may kaukulang bayad.

 

 

 

Kung magiging isang ganap na batas ay mababawasan ng 20% diskuwento ang lahat ng babayaran ng isang mahirap na aplikante sa Barangay Clearance,NBI Clearance, PNP Clearance, Medical certificate para sa local employment mula sa kahit anong government hospital na nasa pamamahala ng Department of Health (DOH).

 

 

 

Kabilang din ang PSA Marriage Certificate, PSA Certificate of Live Birth, Transcript of Records, Diploma, Certificate of Good Moral Character mula sa eskuwela, CSC Certificate ng Civil Service Eligibility, National Certificate at Certificate of Competency na iniisyu ng TESDA at iba pang dokumento na iniisyu ng pamahalaan na kailangan sa paghahanap ng trabaho.

 

 

 

Kailangan lamang umano na magdala ng patotoo mula sa social welfare ng lokal na pamahalaan o opisyal ng barangay ang isang aplikante na isa itong mahirap at ang mga kaanib ng ‘Pantawid Pamilyang Pilipino Program’ ay awtomatikong kuwalipikado na sa panukalang ito.

Other News
  • PDu30, humingi ng paumanhin sa publiko

    HUMINGI ng  paumanhin si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa publiko sa kanyang naunang desisyon na payagan ang e-sabong operations sa kabila ng mga ulat na lumulubog sa utang ang mga mananaya at dahilan ng pagdukot sa mga sabungero.     Gaya ng kanyang mga nasabi sa mga nauna niyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Duterte ang […]

  • Wanted sa kasong rape sa Masbate, natimbog sa Malabon

    Nasakote ng mga operatiba ng Malabon police ang isang most wanted person sa probinsya ng Masbate dahil sa kasong four counts of rape sa isang follow-up operation sa Malabon City.     Kinilala ni Malabon polioce chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si Geraldo Magbanwa, Jr., 21, factory worker at residente Barangay Ubo, […]

  • Payag maging kapatid o kahit alalay ng aktres: JESSY, wish makatrabaho si MARIAN at si DINGDONG

    WISH pala ni Jessy Mendiola, sa muling pagbabalik-acting niya ay makasama niya ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.  Biro pa niya “kahit maging PA (personal assistant) lamang nila, payag ako.”  Nasabi ito ni Jessy sa interview niya sa grand opening ng Manila Diamond Studio na siya ang celebrity endorser.     […]