• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20% diskuwento sa toll fee para sa seniors

NAIS  ng isang mambabatas na palawigin pa ang pribelehiyong ibinibigay sa mga senior citizens sa pamamagitan n pagbibigay ng 20% diskuwento sa pagbabayad sa toll fees na sinisinggil sa expressway at skyway.

 

 

Sa House Bill 5277, sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mabibiyayaan ng 20% na diskuwento ang mga senior citizens sa pagbabayad ng toll fess sa pamamagitan ng radio frequency identification (RFID) o kahalintulad na device.

 

 

Para makakuha nito, dapat na iparehistro ang sasakyan na nakapangalan sa senior citizen, kung saanmagsusumite ito ng kopya ng kayang ID card sa expressway o skyway operator sa pag-apply ng RFID installation.

 

 

“Our measure seeks to give more meaning to the mandate of the 1987 Constitution for the State to prioritize the rights and welfare of the elderly,” ani Rillo.

 

 

Ang Toll Regulatory Board ng Department of Transportation at iba pang ahensiya ang siyang magpapatupad sa pagbibigay ng diskuwento.

 

 

Aamyendahan ng panukala ang Expanded Senior Citizens Law para sa karagdagang benepisyo sa mga pinoy na 60 anyos pataas.

 

 

Sa kasalukuyan, ang mga senior citizens ay binibigyan ng 20% discount at value-added tax exemption sa pasahe sa eroplano at barko maging sa tren at mga public utility vehicles, kabilang na ang shuttle at ride-hailing services.

 

 

Dagdag pa ang exemptions sa pagbabayad ng airport at seaport passenger terminal fees. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads April 21, 2021

  • Join Paul Rudd and Carrie Coon for a Chilling “Ghostbusters: Frozen Empire” Experience!

    JOIN Paul Rudd, Carrie Coon, and the original Ghostbusters crew for an unforgettable cinematic journey in “Ghostbusters: Frozen Empire”. Experience the perfect mix of comedy, horror, and heart in theaters starting April 10.   There’s something undeniably special about catching a movie on the big screen. The booming sounds, the crystal-clear visuals – it’s an […]

  • Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas

    HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City.     Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek […]