• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 katao patay, 14 nawawala dahil sa Habagat, Ferdie, Gener —NDRRMC

TINATAYANG may 20 katao na ang napaulat na nasawi at 14 naman ang nawawala dahil sa epekto ng Southwest Monsoon, o Habagat at maging Tropical Cyclones Ferdie at Gener.

 

 

Sa 8 a.m. Bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na siyam ang naitalang nasawi sa Mimaropa, tig-apat sa Western Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, dalawa sa Zamboanga Peninsula, at isa sa Central Visayas.

 

 

“The reported deaths are still up for validation,” ayon sa NDRRMC.

 

Nakapagtala naman ng 11 katao na sugatan sa panahon ng pananalasa ni Habagat, Ferdie, at Gener.

 

May kabuuang 597,870 katao o 156,524 pamilya ang apektado ng masamang panahon sa Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, Bangsamoro, at Cordillera.

 

Karamihan sa mga apektadong tao ay napaulat sa Western Visayas, mayroong 256,593 indibiduwal o 73,512 pamilya.

 

Sa kabuuang apektadong populasyon, may 62,995 katao o 16,926 pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang 34,265 katao o 8,592 pamilya ang mas ginusto na manuluyan sa ibang lugar.

 

Dahil sa Habagat, Ferdie, at Gener, nawasak ang 930 bahay, may 789 partially at 141 totally damage. Nasira rin ang imprastraktura na umabot na sa P2,401,500.

 

Winika pa rin ng NDRRMC na nagkaroon ng power outages at communication line problems sa ilang bahagi ng mga apektadong lugar.

 

Mayroon namang walong domestic flights at 39 sea trips ang nananatiling suspendido. Sa mga apektadong seaports, may kabuuang 1,609 pasahero, 58 rolling cargoes, 25 vessels, at pitong motorbanca ang stranded.

 

Ang klase naman sa 592 na lugar at work schedules sa 82 lugar ay sinuspinde rin dahil sa banta ng masamang panahon.

 

“Assistance worth P15,574,471 has been provided to the victims so far,” ayon sa NDRRMC. (Daris Jose)

Other News
  • Taas-sahod pinamamadali

    DAPAT madaliin ng pamahalaan ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa sa gitna ng sumisirit na presyo ng gasolina, pagkain at pang araw-araw na pangangailangan, ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada.     Bagama’t inutos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga regional wage boards na agad pag-aralan ang panukalang angat-sahod, sinabi ni […]

  • Beermen hiniya ang Gin Kings

    HUMAKOT  si import Orlando Johnson ng 31 points, 10 rebounds at 8 assists para banderahan ang San Miguel sa 110-102 paggupo sa nagdedepensang Barangay Ginebra sa PBA Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Nag-ambag si CJ Pe­rez ng 23 markers para sa ikaapat na panalo ng Beermen sa pitong laban at buhayin […]

  • Dahil pasong-paso sa public relationship… BEA, non-showbiz guy na ang gustong naka-date

    HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Bea Alonzo sa pag-ibig kahit nauuwi sa hiwalayan ang kaniyang nagdaang mga relasyon.     Sa nakaraang episode ng programa ni Boy Abunda na “My Mother, My Story,” inihayag ni Bea na “I never lost hope in love.”         “I’ve always been a hopeless romantic, […]