• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 KATAO SUGATAN SA PANIBAGONG KAGULUHAN SA JERUSALEM

NASA mahigit 20 Israelis at Palestinians ang nasugatan sa panibagong mga insidente ng kaguluhan sa Al-Aqsa Mosque compound sa Jerusalem ito ay dalawang araw matapos ang nangyaring major violence sa naturang site noong nakalipas na linggo.

 

 

Bunsod nito, pumapalo na sa mahigit 170 ang bilang ng mga nadamay at nasugatan sa naturang kaguluhan kung saan nataon na isinagawa ang Jewish passover festival na Ramadan.

 

 

Daan-daang mga Palestinian demonstrators na nasa loob ng mosque compound ang nagsimulang mangalap ng mga bato matapos ang arrival ng mga Jewsih visitors.

 

 

Nagbunsod ito para pasukin ng police forces ang naturang compound upang mapaalis ang mga demonstrador at mae-establish ang kaayusan.

 

 

Pinapayagan lamang ang mga Jews na bumisita at hindi magdasal sa naturang site o mas kilala bilang Temple Mount na itinuturing na holiest place sa Judaism at ikatlong pinakabanal sa Islam.

 

 

Patuloy ang pupusang paghahanap sa dose-dosenang katao na nananatiling missing sa may KwaZulu-Natal province sa South Africa matapos ang matinding pag-ulan sa nakalipas na mga araw na nagbunga ng pagbaha at mudslide na kumitil na ng mahigit 440 katao.

 

 

Libu-libong katao din ang nawalan ng bahay dahil sa baha at nawalan ng suplay ng kuryente at tubig at nagresulta din ng pagtigil operasyon ng isa sa busiest port sa Africa, ang Durban.

Other News
  • Express delivery nilooban ng armadong mga holdaper, babaeng kawani binaril, sugatan

    MALUBHANG nasugatan ang isang babae matapos barilin ng isa sa mga armadong holdaper na pumasok at nanloob sa bodega ng isang express delivery sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kaagad na isinugod sa Manila Central University (MCU) Hospital ang 26-anyos na biktima na nakatalaga sa cash-on-delivery (COD) remittance ng J & T Express matapos magtamo […]

  • P150 umento sa sahod, aprub na ng Senado

    PASADO na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.     Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing panukala ay approved in principle at nakatakdang pag-usapan […]

  • Magtatambal sa isang romantic comedy film… JENNYLYN, matutupad na ang pangarap na muling makatrabaho si DENNIS

    MATUTUPAD na ang pangarap ni Jennylyn Mercado na makatrabaho sa isang proyekto ang kanyang mister na si Dennis Trillo.     Magtatambal ang Kapuso couple sa isang romantic comedy film na may pamagat na “Everything About My Wife.” Ang naturang pelikula ay Philippine adaptation ng isang Argentinian movie.     “Masaya siya kahit na tungkol […]