• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.

 

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.

 

“Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less 20 million doses para sa AstraZeneca,” wika ni Galvez kahapon.

 

Sinabi rin ni Galvez na hindi nahuhuli ang Pilipinas sa pagbili ng bakuna.

 

Ang tripartite supply agreement ay sa pagitan ng national government, local government units at gumagawa ng bakuna.

 

“After the signing tomorrow, magkakaroon ng tripartite supply agreement na pi-pirmahan ng national govern­ment, LGU (local government units), at vaccine maker. Ang res­ponsibility ng LGU ay to administer the vaccines,” ani Galvez.

 

Ang iba pang kakailanganing suplay para sa pagbabakuna ay kasama na aniya sa responsibilidad ng LGUs, national government at pribadong sektor.

 

“Iyong supply chain requirement, syringe, lata ng consumables, integrated po ang efforts ng LGUs, national government, at private sector. Kung ang isang LGU po ay 30% lang ang mabibili (na bakuna gamit ang kanilang budget), national govern­ment po ang magpupuno nung 70%,” ani Galvez.

 

Noong Nobyembre, ilang local firms ang pumirma sa kasunduan para sa pagkuha ng nasa 2.6 milyong doses ng bakuna mula sa AstraZeneca. (Daris Jose)

Other News
  • Wish niya na maka-duet si Sampaguita: ICE, inaming ngalngal kabayo sa kanta ng BINI at SB19

    MAY pa-sneak peek nga ang OPM Icon na si Ice Seguerra para sa pinaghahandaan nila para tinawag nilang ULTIMATE VIDEOKE EXPERIENCE OF THE YEAR!   Para ito sa repeat ng ‘Videoke Hits OPM Edition’ sa Nov. 8 titled ‘Ice Seguerra Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa!’ sa Music Museum (8 pm). Produced ito ng Fire […]

  • PNP units naka-alerto vs NPA attacks – Eleazar

    Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police operations laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis.     Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag […]

  • COVID-19 cases sa Metro Manila, bumaba pa sa 9%

    Bumagsak pa sa siyam na porsiyento ang naitatalang COVID-19 cases sa Metro Manila na kasunod rin nang pagbaba sa ‘healthcare utilization’ sa rehiyon, ayon sa OCTA Research Group.     Sa datos ng OCTA, nakapagtala ng 667 daily cases mula Hunyo 21 hanggang Hunyo 27 na mas mababa sa 731 kasong arawang average mula Hunyo […]