• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS

Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program.

 

 

Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes.

 

 

Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna na inireseta ng Department of Health.

 

 

“Our vaccination schedule starts at 8 in the morning. We were pleasantly surprised that vaccinees were already lining up for registration as early as 7 a.m. We thank our seniors for their eagerness to have themselves vaccinated and protected from COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“Our seniors were prioritized next to frontline health workers for a reason. They are among the most vulnerable groups because their risk of getting infected or dying is higher. Let us not take chances with their health and lives. Let us make sure they are protected from COVID-19,” dagdag niya.

 

 

Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng libreng transportasyon sa mga nakatatanda, at mga kasapi ng pamilya na kasama nila, papunta at mula sa lugar ng pagbabakuna.

 

 

Muling hinimok ni Tiangco ang mga pamilyang Navoteño na magparehistro sa NavoBakuna COVID-19 website (http://covax.navotas.gov.ph). Maaari rin silang bumisita sa kani-kanilang mga barangay o health center para sa tulong. (Richard Mesa)

Other News
  • Duterte sa publiko: Manatiling kalmado, alerto vs COVID-19 threat

    TODO panawagan at paalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na mag-doble ingat at maging alerto kaugnay pa rin sa nagpapatuloy na outbreak ng Coronavirus Disease o COVID-19.   Sa kanyang recorded video message kahapon (Huwebes), sinabi ni Pangulong Duterte sa taumbayan na manatiling kalmado sa gitna ng pagkalat ng sakit at magtiwala lamang sa […]

  • Imbestigasyon sa ‘drug war’ ng Pinas sisimulan na

    Inanunsiyo ng International Criminal Court (ICC) na kanilang sisimulan sa Oktubre ang pag-iimbestiga sa kampanya sa iligal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Sa inilabas na pahayag, pinayagan na ng Pre-Trial Chamber ang hiling ng ICC Prosecutor’s na ituloy na ang imbestigasyon sa programa na drug war sa bansa mula Hulyo 2016 nang […]

  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]