2,000 medical technologists, medical laboratory technicians nanumpa na
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Aabot ng halos 2,000 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa online.
Base sa datos na hawak ng Professional Regulation Commission (PRC), nasa 1,957 medical technologists at medical laboratory technicians ang nanumpa via virtual platform.
Pinangunahan ni Marilyn A. Cabal-Barza, chairperson ng Professional Regulatory Board of Medical Technology (PRBoMT) ang Recital of the Professional’s Oath.
Habang si Marian Tantingco naman, miyembro ng PRBoMT, ang nanguna sa Recitation of the Code of Ethics.
Sa naging mensahe ni PRC Chairman Teofilo S. Pilando Jr., sinabi nito na 70 percent ng kasalukuyang medical decisions ay nakadepende sa laboratory test results. Pagpapatunay lang aniya ito ng mahalagang papel ng clinical laboratories sa healthcare system ng bansa.
Sa naging closing remarks naman ni PRC-NCR Director L. Louis Valera, nagpaalala ito sa mga bagong professionals na ang professionalism, excellence, at compassion ang dapat nilang isapuso sa lahat ng oras.
Ang naturang virtual oathtaking ay pinangasiwaan ng PRC NCR sa tulong ng PRC Lucena, PRC Baguio, PRC Davao, PRC General Santos, PRC Legazpi, PRC Iloilo, PRC Cagayan De Oro, PRC Tuguegarao, PRC Pagadian, PRC San Fernando, Pampanga, at PRC Cebu,
-
2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Manila
KINUMPIRMA ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3. Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital. Sa ngayon, hawak na raw ng PNP […]
-
Community pantries, hindi malayong maging contributory factor sa paglobo ng Covid 19 – treatment Czar Leopoldo Vega
MALAKI ang posiibilidad na lumikha ng problema ang mga community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila. Ayon kay treatment czar Undersecretary Leopoldo Vega na wala namang dudang maganda ang nilalayon ng community pantry ngunit hindi nagiging makabuluhan kung nauuwi na ito sa mass gathering. Malaki aniya ang […]
-
Galit na galit dahil sa pang-iiwan daw kay Enrique: LlZA, winarningan ang netizen na nag-wish na may masamang mangyari sa kanilang pamilya
HINDI pinalampas ni Liza Soberano ang isang basher na kung saan nagwi-wish na may mangyaring masama sa kanya, pati na sa kanyang kapatid at ama. Nagbabala si Liza sa netizen na dapat ay maging careful ito sa sinasabi sa ibang tao. Sumagot nga si Liza sa isang fake account […]