• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200K National IDs ipinamahagi na

Ipinamahagi na ang Philippine Identification System (PhilSys) cards sa may 200, 000 Pinoy na nagparehistro sa ahensiya.

 

 

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corp. (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon pang dagdag na 200,000 IDs ang takda nilang maipamahagi.

 

 

Ang registration para sa Philsys ID ay nagsimula noong October 2020 at ang pamamahagi ng National ID ay sinimulan nitong Mayo 2021.

 

 

Iniulat din ni Bautista na nakakolekta din sila ng demographic information ng may mahigit sa 35 million na ang 12 million ay mayroon ng biometrics captured.

 

 

Target ng PSA na mairehostro ang may 70 million Pinoy sa PhilSys bago matapos ang 2021. (Daris Jose)

Other News
  • Batas na naglalayong gawing kriminal ang nagre-red-tagging, labis na nakababahala at mapanganib para sa bansa

    SINABI ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang Senate bill na naglalayong parusahan ang red-tagging ay gagamitin lamang para patahimikin o busalan ang mga nagsisiwalat sa mga nagsisilbing legal fronts ng communist rebels.   Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy na ang nasabing batas na naglalayong […]

  • Walang magbabago sa mga proseso kahit may appointed na Vaccine Czar: DOH

    DINEPENSAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala namang magbabago sa prosesong ginagawa ngayon ng mga nakatalagang opisyal na nangangasiwa sa development at pag-aangkat ng COVID-19 vaccine, dahil in-appoint ng presidente si Galvez.   “Wala […]

  • Libreng sakay sa MRT 3 extended hanggang June 30

    Pinatagal pa ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ng hanggang June 30.     “The Libreng Sakay program would be extended anew until June 30 to help lessen the financial burden of commuters affected by rising prices of fuel and basic commodities,” wika ng DOTr.   […]