• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

200K pamilya, ga-gradweyt mula sa 4Ps -DSWD

TINATAYANG umabot na sa 200,000 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang inaabangang magtatapos mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa darating na Setyembre.

 

 

“By September, mayroong mga around 200,000 na wala ng eligible children na automatic na mag-eexit sa program,” ayon kay 4Ps National Program Management Office (NPMO) Director Gemma Gabuya.

 

 

Sinabi ni Gabuya na ang pagtatapos ng pamilya sa 4Ps ay alinsunod sa Republic Act No. 11310, o mas kilalang bilang 4Ps Law, na nagsasaad na “a qualified household-beneficiary shall be deemed to exit from the program, when the last monitored child in the household turns 19 years old.”

 

 

Ipinaliwanag pa nito na ang exit date sa Setyembre ay nagkataon sa pagtatapos ng school year upang matiyak na ang mga sinusubaybayang mga bata ay nakumpleto na ang kanilang kasalukuyang grade level.

 

 

“To ensure that the exiting households will not slide back to poverty, the DSWD is working with other government agencies and local government units to provide livelihood opportunities and other interventions that will help meet the needs of the families,” ayon kay Gabuya.

 

 

Sa pagtatapos ng 200,000 household-beneficiaries, makakaya na ngayon ng DSWD na makapag-accommodate ng kahalintulad na bilang ng pamilya sa 4Ps.

 

 

“The new program beneficiaries will be extracted from the current list of waitlisted beneficiaries assessed by the Listahanan 3 or the National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR),” ayon kay Gabuya.

 

 

Ang 4Ps ay national poverty-reduction strategy at human capital investment program ng gobyerno ng Pilipinas na nagbibigay ng conditional cash transfers para mapahusay ang kalusugan, nutrisyon, edukasyon ng mga batang ang edad ay 18 paibaba.

 

 

Sa kasalukuyan, mayroong 4.4 million household-beneficiaries sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • DTI at mga attached agencies nito, nangakong mamadaliin ang pautang para sa mga small businesses

    KAPWA nangako sina Labor Sec Silvestre Bello III ang Department of Trade & Industry at attached agency nitong small business corporation na ipa- fast track nila o pabibilisin ang pagproseso sa mga soft loans o pautang para sa mga micro and small business enterprises.   Ito ay bilang pambayad ng 13th month pay ng mga […]

  • Kai Sotto maraming bubutataan sa NBA

    Lalong dumami ang humanga sa higanteng si Kai Sotto sa ipinakita nitong mataas na vertical leap na 11.5” o lundag na halos 12 feet.   Lalong pinataas ng 18-year-old Sotto ang kanyang kalidad bilang manlalaro  matapos ibalandra sa social media ang ipinagmamalaking mataas na lundag.   Sa video na ipinost nito sa Instagram, makikitang bumwelo si Sotto bago lumundag […]

  • Balik-trono sa Alab: Brownlee, target ang kampeonato

    Hangad ni Justin Brownlee sa kanyang pagbabalik sa San Miguel Alab Pilipinas na mabigyan uli ng pinakaaasam na kampeonato sa 10th ASEAN Basketball League (ABL) 2019-2020.   Malaking bagay ang do-it-all import sa koponan, na may 10-6 record at pangalawa sa team standings sa eliminations. Isa siya sa instrumento nang maupo sa trono ang PH […]