2020-2021 season ng MPBL tuluyan ng kinansela
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
Kakulangan sa oras at kaligtasan ng mga manlalaro ang tanging dahilan kaya nagpasya ang Maharlik Pilipinas Basketball League (MPBL) na kanselahin na lamang ang kanilang 2020-2021 season.
Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, na kinuha nila ang suhestiyon ng maraming manlalaro at karamihan sa kanila ang nagsabi na hanggang walang bakuna laban sa coronavirus ay hindi pa rin sila maglalaro.
kailangan kasi ng walon buwan para matapos ang isang season kaya tiiyak na hindi na nila ito matatapos ngayong taon.
Magiging magastos din sa Local Government Unit kapag nagbukas na sila dahil kailangan ng tuloy-tuloy na pagsuri sa mga manlalaro at mga commissioner.
Sa ngayon aniya ay tatapusin muna nila ang mga natitirang mga laro sa Lakn Season kapag pumayag na ang gobyerno sa paglalaro ng mga iba’t-ibang mga laro.
-
Danilo Gallinari nag-OK sa 2-year deal sa Boston Celtics sa halagang $13.3-M
PUMAYAG na umano ang free agent forward na si Danilo Gallinari para sa dalawang taon na kontrata sa Boston Celtics. Ito ang kinumpirma ng kanyang agent na si Michael Tellen kung saan nagkasundo ang magkabilang panig sa $13.3 million deal. Kabilang sa kontrata ay ang player option pagsapit ng second year […]
-
Pacquiao kay Magsayo ; ‘Welcome to the Club’
NANGUNA si dating Filipino boxing champion at ngayon ay Senator Manny Pacquiao sa mga bumati kay WBC world featherweight champion Mark ‘Magnifico’ Magsayo. Sa kanyang social media account, binati nito ang 26-anyos na si Magsayo at sinabing “Welcome to the Club”. Dagdag pa ng senador na labis na ipinagmamalaki ng bansa […]
-
PDU30 ipinagmalaki na natupad na niya ang pangako sa PNP at AFP
IPINAGMAMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na natupad niya ang pangako nito sa mga kasundaluhan at kapulisan gaya ng pag-doble ng kanilang sahod. Sa kanyang Talk to the People nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na mula ng pagkaupo niya ay tiniyak niya na aayusin ang kalagayan ng mga sundalo at kapulisan. […]