2020, Year of Filipino Health Workers – Duterte
- Published on July 16, 2020
- by @peoplesbalita
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2020 bilang Year of Filipino Health Workers.
Nakasaad sa Proclamation No. 976, ang pangangailangan na bigyang-pugay ang kabayanihan at sakripisyo ng mga doctors, nurses, midwives at lahat ng health workers na itinataya ang kanilang buhay sa linya ng kanilang serbisyo lalo na ngayong humaharap sa COVID-19 pandemic ang Pilipinas.
Maliban dito, ang Pilipinas, bilang miyembro ng World Health Organization (WHO) ay sinusuportahan ang deklarasyon nito na nagsasaad na dapat bigyang pagkilala ang lahat ng health workers.
Iniatas naman sa Department of Health (DOH) ang pangunguna sa pag-oobserba ng Year of Filipino Health Workers habang ang mga LGUs, GOCC, SUCs at iba pang departamento ng pamahalaan ay hinihikayat na makipagtulungan at asistehan ang DOH sa implementasyon ng proklamasyong ito.
Lahat naman ng national local publications, TV networks at radio stations ay hinihikayat na makiisa sa pagpapakalat ng awareness at public support sa mga programa at aktibidad na mayroong kinalaman sa selebrasyon nito.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang naturang proklamasyon nitong Hulyo 6.
-
Pagpapatupad na hakbangin ng MMDA para maibsan ang trapik sa EDSA
HUMIRIT ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa). Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng MMDA sa mga […]
-
8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week
Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]
-
US magbubuhos pa ng $500-M na direct budgetary aid sa Ukraine – Pres. Biden
MAGBIBIGAY ng dagdag na direct budgetary aid sa Ukraine ang Estados Unidos na nagkakahalaga ng $500 million. Ipinahayag ito ng White House matapos ang naging pag-uusap nina US President Joe Biden at Ukrainian President Volodymyr Zelensky via phone call upang pag-usapan pa rin ang patuloy na pagsuporta ng Amerika sa Ukraine laban sa […]