2021, ‘golden year of PH sports’ – POC
- Published on January 3, 2022
- by @peoplesbalita
Maituturing umano bilang “golden year” sa mundo ng sports ang 2021.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, sa taong ito kasi nakamit ng bansa ang makasaysayang “breakthrough” partikular sa Olympic Games.
Nabatid na nasa Tokyo International Forum si Bambol nitong July 26 noong masungkit ni Hidilyn Diaz ang unang Olympic gold medal ng Pilipinas matapos manalo sa women’s 55kg division sa weightlifting.
“This is a year of congratulations for all of us, for breaking several milestones in our sports,” ani Tolentino.
Dagdag nito na maaaring maraming negatibong idinulot sa ating buhay ang Coronavirus Disease pandemic pero mas nangibabaw pa rin ang tatag ng mga Pilipino.
Sa ngayon aniya ay mayroon nang isang ginto, apat na silver at walong bronze medal ang bansa mula sa Olympics na nakamit dahil sa pagkakaisa ng mga atleta at coach sa iba’t ibang National Sports Associations.
“This year is marked by a spirit of happiness for the blessings we have received,” wika pa ng POC president.
-
56 nasawi sa stampede sa isang football match sa Guinea
AABOT sa 56 katao ang nasawi matapos ang naganap na stampede sa isang football match sa N’Zerekore City , Guinea. Base sa mga otoridad na nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng mga fans. Mas lalo pang lumala ang kaguluhan ng palabasin ang isang manlalaro matapos ang laro. Ang nasabing […]
-
Walang makatatalo sa eksena sa totoong buhay: BEA, iba’t-ibang emosyon ang naramdaman nang mag-propose na si DOM
MARAMING nagulat sa engagement announcement nina Kapuso actress Bea Alonzo at boyfriend Dominic Roque, dahil kamakailan lamang ay nagsabi si Bea sa kanyang vlog na hindi pa sila magpapakasal ni Dom. Pero last Wednesday evening nga ay sabay na nag-post ng proposal ni Dom kay Bea habang nagpi-pictorial ito sa Las Casas: […]
-
BFP, itinaas sa code red simula ngayong Lunes para sa yuletide season
Naka-full alert status o Code red na ang Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw ng Lunes, Disyembre 23 para sa yuletide season. Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na papairalin ito hanggang sa Enero 2, ng susunod na taon. Ito ay alinsunod sa Oplan Paalala: Iwas-Paputok ng ahensiya. […]