2023 FIBA World Cup plan inilatag ng SBP
- Published on August 5, 2022
- by @peoplesbalita
PUSPUSAN na ang paghahanda ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng prestihiyosong FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.
Inilatag ng SBP ang lahat ng plano nito para sa World Cup na gaganapin sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 kung saan makakatuwang ng Pilipinas ang Japan at Indonesia bilang co-hosts.
Nakipagpulong ang SBP sa mga stakeholders sa pangunguna nina SBP chairman Sen. Sonny Angara at SBP president Al Panlilio kasama ang mga kinatawan ng iba’t ibang liga gaya ng Philippine Basketball Association (PBA), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Athletic Association (NCAA) at iba pang basketball organizations.
“Showcasing the Philippines, this will be the biggest basketball event to be hosted in the country. Since 1978, we have not hosted a tournament of this magnitude,” ani Panlilio.
Bumuo na ang SBP ng local organizing committee na siyang mangangalaga sa pagdaraos ng torneo.
May 40 laro ang gaganapin sa qualifying event kung saan ang Smart Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena ang magsisilbing venues.
Idaraos naman ang 12 laro sa final round sa pamosong Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sisimulan sa Agosto 27 ang countdown habang sa Abril naman idaraos ang drawing of lots para madetermina ang mga magkakasama sa group stage.
Tinalakay din ang pagbuo ng pinakamalakas na koponang isasabak sa World Cup.
Pormal na ring itinalaga sina multi-titled coach Tim Cone at UAAP champion coach Goldwyn Monteverde bilang bahagi ng coaching staff ng Gilas Pilipinas. Kasama rin sina veteran international coaches Nenad Vucinic at Jong Uichico.
-
PAGHALILI SA SANTO PAPA, PREMATURE
PREMATURE pa ang mga lumalabas na espekulasyon ukol sa pagpili ng magiging bagong Santo Papa ng Romano Katoliko, ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP). Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano, CBCP Public Affairs Commission executive secretary, makaraan ang usap-usapan ng posibleng pagbibitiw ni Pope Francis dahil […]
-
Netizens, amazed na amazed dahil kopyang-kopya talaga: CATRIONA, personal na in-unveil ang kanyang wax figure sa Madame Tussauds Singapore
PERSONAL na in-unveil ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang first ever wax figure sa Madame Tussauds Singapore. Ibinahagi nga ng Pinay beauty queen ang couple of photos with her wax figure, na kung saan makikitang suot ang kanyang signature Mayon Volcano-inspired gown at ang ‘Alab at Dangal’ ear cuff. Caption niya sa IG post, “Who’s that girl. “What a surreal moment to (FINALLY!) […]
-
PBBM, tinaasan ang allowance ng mga foreign service employee
TINAASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang allowance ng Filipino government employees na nakatalaga sa ibang bansa. Sa ilalim ng Executive Order No. 73, ang umento sa base rates para sa overseas allowance (OA) at living quarter allowance (LQA) ay mula 35% hanggang 40%, ipatutupad sa apat na tranche. Ang family […]