2023 URBAN GOVERNANCE EXEMPLAR AWARDS NASUNGKIT NG NAVOTAS
- Published on October 27, 2023
- by @peoplesbalita
HUMAKOT ng mga parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ginanap na 2023 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).
Nakuha ng Navotas ang High Functionality ratings para sa Anti-Drug Abuse Council at Peace and Order Council. Nakakuha rin ito ng Ideal Level of Functionality para sa Local Council for the Protection of Children at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children.
Nagkamit din ang lungsod ng pagkilala sa aktibong pakikilahok nito sa Manila Bay Clean-Up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP), para sa mga hakbang sa pagsasabatas na makatutulong sa pagbuo ng isang mabisang lokal na administrasyon at pag-unlad, at para sa pagpasa sa Fisheries Compliance Audit (FishCA).
“These awards are a humbling validation that Navotenos and our fellow public servants in the government appreciate the work we do. These only serve to inspire us to further enhance our governance practices and provide better services to uplift the lives of our people,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Ang mga parangal ay tinanggap ni Tiangco kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez, City Administrator Dr. Christia Padolina, Sangguniang Panlungsod Secretary Marlon Serrano, Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport at City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano.
Ang Urban Governance Exemplar Awards ay isang inisyatiba ng DILG-NCR para pormal na kilalanin ang mga kontribusyon at nagawa ng mga local government units (LGUs) sa Metro Manila.
Ang mga nanalo ay pinipili ng DILG sa pamamagitan ng regional assessment at validation ng iba’t ibang programa at proyekto ng LGUs. (Richard Mesa)
-
Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19
Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers. Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng […]
-
60 milyong mga Filipino voters maglalabasan
ISANG malaking hamon sa gobyerno ang paparating na May 9, 2022 national elections dahil dito ay siguradong maglalabasan ang may 60 milyong mga Filipino voters at pupunta sa kani- kanilang voting precints. Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni DILG secretary Eduardo Ano na ngayon […]
-
Justice Gito, Justice Miguel mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Justice Gener Malaluan Gito at Justice Ermin Ernest Louie Ramirez Miguel. Bilang mga bagong Associate Justice ng Sandiganbayan. Ang appointment paper ni Gito ay nilagdaan ni Pangulong Marcos nito lamang Oktubre 8, 2024, ipinadala naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga appointment papers nina Gito […]