212 Navoteños hired-on-the-spot sa mega job fair
- Published on July 5, 2024
- by @peoplesbalita
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng job opportunities at nagbigay ng suporta sa mga small businesses.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit 6,000 job opportunities sa iba’t ibang industriya.
Mahigit 300 Navoteños na naghahanap ng trabaho ang nag-aplay sa naturang mega job fair kung saan umabot sa 212 individuals ang hired on the spot.
Ang aktibidad ay nagsilbi rin bilang one-stop-shop para sa mga nangangailangan ng serbisyo mula sa government agencies tulad ng Philippine Statistics Authority, Pag-IBIG, Social Security System, at PhilHealth.
Bumisita naman si Mayor Tiangco sa job fair saka binati niya ang mga natanggap kaagad sa trabaho at pinaalalahanan na pagbutihin nila ang mga trabahong kanilang natanggap. (Richard Mesa)
-
Hall of Famers, sinala ng PSC
INUMPISAHAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagpili sa mga ilalagak sa 2020 Philippine Sports Hall of Fame kahapon (Martes) ng umaga sa PhilSports Complex sa Pasig City. Nangunguna sa Philippine Sports Hall of Fame (PHOF) 2020 Committee sina PSC Chairman William Ramirez bilang tagapangulo, at Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino […]
-
DOTr: Di na papayagan ang karagdagang motorcycle taxis sa MM
HINDI na papayagan ang pagkakaroon ng karagdagang motorcycle taxis sa Metro Manila dahil sa pagkakaroon ng negative impact sa lumalalang pagsisikip ng trapiko lalo na kung daragdagan pa ang mga bilang nito. Kamakailan lamang ay naglabas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may 2,000 slots pa ang ibibigay sa bawat […]
-
SAAN NAPUNTA ANG PONDO NG DOH, INISA-ISA
SINIGURO ng Department of Health (DOH) na ang bawat sentimo ng mga pinag-uusapang pondo pati na rin ang lahat ng iba pang mga public funds na inilaaan sa kagawaran ay “accounted” lahat at magagamit para sa publiko. Tugon ito ng DOH sa panawagan na magbigay ang Kagawaran ng “breakdown” kung paano ginasta ang P9 […]