• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

22-K bilanggo pinalaya – Año

Humigit kumulang 22,000 detainees ang pinalaya sa hangad na luwagan ang mga overcrowded nang bilangguan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sa isang statement, sinabi ni DILG chief Eduardo Año na 21,850 persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula Marso 17 hanggang Hulyo 13 sa loob ng 470 kulungan na hawak ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP).

 

Sa naturang bilang, sinabi ni Año na 15,102 ay pinalaya sa pamamagita ng bail, plea-bargaining, parole o probation habang 6,756 naman ang pinakawalan dahil sa acquittal o served sentence.

 

“The DILG through the BJMP is also taking concrete measures to decongest our jails such as improving and putting up more jail facilities and fast-tracking the court hearings of PDLs,” ani Año.

 

Samantala, patuloy ang ginagawang targeted testing ng BJMP sa mga inmates sa 51 jail facilities at tatlong BJMP offices na tinamaan ng COVID-19 pandemic.

 

Nabatid na hanggang noong Hulyo 15 ay pumalo na sa 180 ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa BJMP.

 

Sa naturang bilang, 126 ay pawang mga detainees at 54 naman ang BJMP personnel. (Ara Romero)

Other News
  • Proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot, panawagan ni PDu30

    NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng proteksyon para sa mga mamamahayag laban sa banta at pananakot.   Ang panawagan ng Pangulo ay bahagi ng kanyang mensahe sa pagdiriwang ngayon ng World Press Freedom Day.   “This year’s theme affirms the nature of news and information as a public good that must be utilized effectively […]

  • Ads October 27, 2022

  • Export ng PH lumampas ng $100-B noong 2023 – DTI

    IPINAGMALAKI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na sa unang pagkakataon, ang mga export ng Pilipinas ay lumampas sa USD 100 bilyon noong 2023.     Ayon kay Director Bianca Sykimte ng DTI- Export Marketing Bureau (EMB) na ang kabuuang taon na pag-export ng parehong mga produkto at serbisyo ay umabot […]