• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

22 nadakma sa drug operation sa Valenzuela

UMABOT sa dalawampu’t dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong bebot ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-6:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Doddie Aguirre ng buy bust operation sa Herrera St., Brgy. Marulas na nagresulta sa pagkakaaresto kay Harvi Sangil, 33 at Junearch Salazar, 26.

 

 

Ani PSSg Ana Liza Antonio, nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 6 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug priceP40,800, marked money na isang tunay na P500 bill at dalawang P1,000 boodle money at cellphone.

 

 

Dakong 1:20 ng madaling araw nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Road 6, No. 3279, Teachers Village, Brgy. Gen. T De Leon sina Oswaldo Sarmiento, 50, Ricky Ruebela, 37, Jonard Abogado, 27, Robert Ibanez, 53, at Reynaldo Venadas, 57.

 

 

Sinabi ni PCpl Christopher Quiao, narekober sa mga suspek ang nasa 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P13,600, P500 marked money, P980 cash, dalawang cellphones at coin purse.

 

 

Nauna rito, alas-11:15 ng gabi nang maaktuhan ng isa pang team ng SDEU sa isinagawang validation na sumisinghot amano ng shabu sa loob ng isang walang numerong bahay sa Dahlia St , Brgy. Ugong sina Reneboy Santos, 42, Renaldo Casador Jr, 30, Warren Galguerra, 31, Shiela Mae Cabradilla alyas “Yam-Yam”, 31 at Roan Villavelez, 33.

 

 

Nabatid kay PSMS Fortunato Candido, nasamsam sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, cellphone at ilang drug paraphernalias.

 

 

Habang natimbog din ng kabilang team ng SDEU sina Jaime Valera, 48, (AWOL BJMP personnel), Kimberly Claire Sawal, 28, casino agent, Joel Sebastian, 33, Joshua Abidan, 24, Niño Rogales, 44, German Pereda Jr, 51 at Cesario Sawal, 49, matapos maaktuhang nagsa-shabu sa 11D-10 Camus Cmpd.,  Gumamela St., Brgy. Gen. T. De Leon bandang alas-11:15 ng gabi sa isinagawang validation.

 

 

Ayon kay PSSg Carlos Erasquin Jr, nakumpiska sa mga suspek ang isang unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P1,360 ang halaga at ilang drug paraphernalias.

 

 

Sa Brgy. Palasan, naaktuhan rin ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 5 na sumisinghot ng shabu sa loob ng Polo Catholic Public Cemetery alas-2:15 ng hapon sina Jullius William Tecson, 24, Angelo Mariano, 31 at Jude Serito, 23.

 

 

Sabi ni PCpl Glenn De Chavez, nakuha sa mga suspek ang isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, nakabukas na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P700 cash, coin purse, dalawang cellphones at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads February 19, 2022

  • DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions

    NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.     Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders […]

  • SYLVIA, enjoy na enjoy sa pagganap bilang Barang sa ‘Huwag Kang Mangamba’ kaya niyakap nang buong-buo

    ENJOY na enjoy si Sylvia Sanchez sa kanyang pagganap sa karakter ni Barang sa Huwag Kang Mangamba.     Gustung-gusto niya ang kanyang role kaya niyakap niya ito nang buong-buo.     “Challenging to portray the role of Barang pero enjoy ako kasi I can play with it,” pahayag pa ni Sylvia.     Sabi […]