24/7 NA BAKUNAHAN, ISASAGAWA SA MAYNILA
- Published on August 5, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ng 24/7 COVID-19 mass vaccination sa mga susunod na linggo.
Dahil sa plano ng lokal na pamahalaang lungsod, nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nangangailangan sila ng mga magboboluntaryo para sa 24/7 na bakunahan sa Maynila.
Aniya, bukas ang Manila Health Department (MHD) sa mga intresado at agad na makipag-ugnayan sa kaniyang opisina ang mga indibidwal upang mailatag na agad ang plano sa lalong madaling panahon.
“Kung sinumang lisensiyadong puwedeng magbakuna, idu-duty ko kayo sa gabi to replenish our workforce, our medical frontliners during daytime,” ani Domagoso
Kabilang sa mga kinakailangan nila para sa kanilang plano na 24/7 vaccination ay ang mga Doktor (Doctor), Nars (Nurse), Dentista (Dentist), Komadrona (Midwife), Medical Technologist, Parmasyutiko (Pharmacist), Iba pang propesyunal ng allied health (All other allied health professionals), Gradweyt ng Kolehiyo o Mag-aaral ng Kolehiyo na maalam sa paggamit ng kompyuter (College graduates or college students who are computer-literate), at iba pa.
Ayon sa Alkalde, kailangan nila ng karagdagang volunteers na may kaalaman sa pag-eencode sa computer para sa mga data na kakailangain. Nanawagan rin siya sa mga estudyante sa kolehiyo, SK officials at iba pang kabataan para tumulong sa gagawing 24/7 vaccination program.
Ang plano ng lokal na pamahalaan ay upang matugunan na ang layunin ng national government na maturukan ang lahat kung may sapat na suplay ng bakuna.
Sa mga interesado naman na indibdwal ay maaaring tumawag o mag-text sa numerong 0995-1069524 at 09606040771.
“Hindi natutulog ang COVID-19 kaya dapat walang tulugan ang tulungan sa bakunahan. Maraming salamat po at sama-sama tayo tungo sa tuluyang pagsugpo sa pandemyang ito,” dagdag pa ni Domagoso. GENE ADSUARA
-
‘Biggest POGO hub’ pinadlock ng DILG, PAOCC
TULUYAN nang kinandado ng mga awtoridad, Miyerkoles ang pinakamalaking POGO hub sa bansa na Island Cove kahapon ng umaga sa Kawit, Cavite. Personal na ininspeksyon nina Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, PNP Chief Rommel Francisco Marbil, PAGCOR Chairman Alejandro Tengco at PAOCC Exec. Director Gilbert Cruz ang ilang mga kwarto sa […]
-
EJ Obiena handa ng sumabak sa torneo matapos ang paggaling ng kaniyang back injury
Masayang ibinahagi ni Olympic pole vaulter EJ Obiena na ito ay gumaling na mula sa kaniyang lower back injury. Sinabi nito na nakakuha na ito ng clearance mula sa kaniyang physician na si Dr. Alessandro Napoli at kinumpirmang magaling na ito. Ito rin aniiya ang dahilan kung bakit hindi siya lumahok sa mga […]
-
Isa namang pangarap niya ang natupad: JUDY ANN, kinilig nang husto nang maka-bonding ang world-renowned chef na si GORDON
DREAM come true para kay Judy Ann Santos ang pagkikita nila ng world-renowned chef at TV personality na si Gordon Ramsay. Super proud nga si Juday sa ilang moments, bilang naka-bonding niya rin ito sa meet-and-greet event ng iconic chef dito sa Pilipinas. Sa kanyang Instagram post kasama ang short video, “Kinikilig ako kapag iniisip […]