• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

25 call center agents, nag-positibo sa COVID-19 matapos ang beach party sa Subic

Iimbestigahan pa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kung may nalabag na health protocols sa loob ng Subic Freeport dahil dito lamang ang jurisdiction ng SBMA.

 

May kaugnayan ito sa 25 empleyado ng isang business outsourcing company (BPO) na nagpositibo sa COVID-19 matapos ang kanilang isinagawang beach at pool party sa Subic.

 

Ayon kay Ronnie Yambao, deputy administrator ng SBMA Public Health and Safety Department, na bigla na lamang daw nagkaroon ng biglang pagtaas sa COVID-19 cases dahil sa naturang beach party.

 

Base umano sa report na ipinadala ng hindi na pinangalanan pang BPO company, hindi umano alam ng pamunuan nito ang ginawang mass gathering o pagtitipon-tipon ng kanilang empleyado.

 

Saad pa ni Yambao na nagsagawa ng stringent contact tracing ang kumpanya at SBMA kung saan nabatid nila kung sino-sino ang mga naging close contacts ng mga empleyado.

 

Tiniyak naman ni Yambao na lahat ng close contacts at infected ay naka-isolate na sa mga isolation facilities ng mga local government units.

 

Samantala, nagbigay pa rin ng tulong pinansyal ang kumpanya para sa kanilang mga empleyado na nagpositibo sa nakamamatay na sakit subalit hindi pa rin makakaligtas ang mga ito mula sa disciplinary action ng kanilang human resource department dahil sa pagpapabaya. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Speaker Romualdez: Malasakit ni PBBM sa magsasaka, mamimili nakita sa utos nito sa NFA na bumili ng palay sa mataas na presyo

    ANG UTOS umano ni Pangulong Marcos sa National Food Authority na mamili ng palay sa mataas na presyo ay makatutulong sa mga magsasaka at sa pagpapanatili ng presyo ng bigas, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     “This shows the malasakit our President has towards our farmers who have been working very hard for […]

  • 171 kabataang Bulakenyo, lumahok sa Summer Sports Clinic 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – May 171 kabataang Bulakenyo ang lumahok sa isinagawang Summer Sports Clinic 2022 Mass Graduation kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito.     Ayon sa Provincial Youth, Sports, and Public Employment Service Office (PYSPESO), ginanap ang nasabing sports clinic sa Bulacan Sports Complex sa Brgy. Santa Isabel mula Mayo […]

  • Col. Umipig bagong hepe ng Valenzuela City Police

    MALUGOD na tinanggap ng Valenzuela City ang bagong upong hepe ng pulisya ng lungsod na si P/Col. Allan B Umipig sa isinagawang turnover ceremony na ginanap sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Headquarters noong May 9, 2024.     Si Col. Umipig ay itinalaga bilang bagong officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kapalit ni out-going Chief […]