• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

250,000 RESIDENTE NG MAYNILA, NAKATANGGAP NG FOOD BOXES

NAKATANGGAP na ng food boxes na bahagi ng COVID-19 Food Security Program ng pamahalaang lungsod ang mahigit sa 250,000 na residente ng Maynila.

 

 

 

Napag-alaman na ang mga residente sa Distrito 1 at 2 sa Tondo ang unang nagbenipisyaryo ng nasabing programa kung saan nasa kabuuang 250,054 food boxes na ang naipamahagi na nagsimula nito lamang nakaraang Pebrero 10.

 

 

 

Sa ulat na ipinarating kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ni Department of Public Service Director Kenneth Amurao, nasa ikatlong distrito na sila ng Maynila namamahagi ng mga food boxes at inaasahang matatapos nila ito ngayong araw.

 

 

 

Ang pamamahagi ng mga nasabing food boxes ay pinamumunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Engineering and Public Works at Department of Public Services.

 

 

 

Ayon pa kay Amurao, inaasahang matatapos ang kanilang pamamahagi ng mga food boxes sa ika-apat at ikalimang distrito ng Maynila bago matapos ang linggong ito.

 

 

 

Sa ilalim ng Manila COVID-19 Food Security Program, sinabi ng Alkalde na halos 700,000 pamilya sa kabisera ng bansa ang tatanggap ng nasabing ayuda mula sa lokal na pamahalaan sa susunod na anim na buwan.

 

 

 

Ang bawat food box ay naglalaman ng tatlong kilo ng bigas, 16 piraso ng canned goods at 8 pakete ng kape. Naglaan ang lokal na pamahalaang lungsod ng P3 bilyon para sa naturang programa.

 

 

 

“Pipilitin natin sa lungsod na walang pamilyang magugutom. Sa Maynila, kakain tayo,” ani Mayor Domagoso.

 

 

 

“May mga bagay na hindi na muna natin tutugunan pero ito iyong mga bagay na sa tingin kong makapaghihintay dahil naniniwala ako na ang tao may kumakalam na sikmura, ang kalsada ay wala,” giit pa ng Alkalde.   (GENE ADSUARA)

Other News
  • UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

    ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.   Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo […]

  • Pondo ng PSC sa 2021 aprubado sa Senado

    PASADO ang isinumiteng hinihinging badyet ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa taong 2021 nang pagtibayin sa committee level ng Senado nitong Martes sa pamamagitan ng virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Sen. Christopher Lawrence Go, kasama sina Sens. Imee Marcos at Nancy Binay.   Pinapurihan din ng mambabatas ang PSC at […]

  • CELINE DION DROPS LYRIC VIDEO OF “LOVE AGAIN” ORIGINAL THEME SONG

    FALL in love with the brand new music from the one and only Celine Dion as she unveils the  official lyric video for the original theme song of Love Again, the eagerly anticipated romantic comedy from Columbia Pictures.     Check out the video below and watch the film soon in cinemas across the Philippines. […]