250K katao target bakunahan sa Metro Manila kada araw
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
Target ng mga Metro Manila mayors na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw habang nakataas ang ipatutupad na pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr.
Sinabi ni Abalos nitong Sabado na napag-usapan sa pulong ng Metro Manila Council (MMC) kamakalawa ng gabi, bukod sa target na maturukan ng COVID-19 vaccines, tinalakay din ang ayuda na ibibigay sa mga higit na maapektuhan at ang border controls para sa pag-iwas na lalo pang lumaganap ang kinatatakutang Delta variant.
Dumalo rin sa pulong sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, at si Interior Secretary Eduardo Año.
Samantala, tiniyak din ni Abalos na patuloy ang pamamahagi nila ng ayuda sa mga kuwalipikadong benepisyaryo habang paiira- lin ang minimum health protocols.
Samantala, nakahanda nang talakayin ang isyu kung magpapatupad ng liquor ban, at sakaling ipatupad ay magkakaroon ito ng uniform guidelines. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DINGDONG at MARIAN, kinumpirma na tuloy na ang bagong project sa GMA na malamang na isang sitcom
KINUMPIRMA na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, gayundin naman ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na may gagawin na nga silang bagong proyekto sa GMA-7. Kinumpirma nila ito sa naganap na GMA Pinoy TV Fun Con. Isang bonggang “Yes!” ang sagot ni Marian nang tanungin sila kung totoong magtatambal […]
-
Inaming hindi na sila magkaibigan ni Moira: SAM, ipinagdiinang walang third party sa break-up nila ni CATRIONA
BINIGYANG diin ni Sam Milby na walang third party sa naging break-up nila ni Catriona Gray na supposedly, ikakasal na sana sila dahil engaged na sila. Kaya na-abswelto ang singer na si Moira na siya ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Pero bongga si Sam sa pagiging totoo niya sa pagsasabi rin na hindi na […]
-
PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong
TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año. “The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes. “And I agree with it, E-sabong will end by […]