• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,536 frontliners, inayudahan ng Makati government

Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa  2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Incident Command Post (ICP).

 

Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.

 

Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay, ito ay isang paraan upang maipadama ng lungsod ang pagpupu-gay at taos-pusong pasasa-lamat sa lahat ng sakripisyo at kontribusyon ng medical frontliners sa epektibong pagtugon nito sa mga hamon ng pandemya.

 

Titiyakin naman na magiging ligtas at susundin ang health protocol sa pamamahagi ng wellness kits sa mga nasabing  tanggapan ng mga medical frontliners.

 

Bukod sa pagbibigay ng sapat na personal protect equipment (PPE), ha-zard pay, libreng shuttle services, bitamina, flu at pneumonia vaccine, at lib­reng mass testing para sa mga essential workers, ina­prubahan din ng  lungsod ang pagpapataas ng sahod ng mga nurses at pagkuha ng karagdagang medical workers sa Makati.

 

Samantala, upang tuluy-tuloy naman ang pagbibigay serbisyo sa Makatizens, bibigyan naman ng emergency kits o “Go Bag”  ang  nasa 8,000  mga regular at contractual employee ng Makati City government.

 

Sinisiguro ni Mayor Abby na handa laban sa sakuna ang mga frontliner at kawani ng lungsod lalo na sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng emergency kit for employees. Ang bawat kit ay naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa isang tao sa loob ng 72-oras matapos ang sakuna. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Ex-PBA star player, naghain ng kandidatura bilang konsehal sa Maynila

    NAGHAIN ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) ang dating Philippine Basketball Association (PBA) star player na si Paul “Bong” Alvarez bilang “aspirant councilor” sa ikatlong Distrito sa Lungsod ng Maynila nitong Miyerkules, Oktubre 2.     Kilala si Alvarez sa tawag na “Mr. Excitement” dahil sa bilis at liksi nito sa paglalaro ng basketball noong […]

  • Usap-usapan pa rin ang ginawa niya at sagot sa bashers: HEART, ginaya ng followers sa pagsusuot ng expensive necklace sa kanilang pets

    USAP-USAPAN at nag-viral nga ang Instagram story ni Heart Evangelista na kung saan ipinasuot niya sa alagang aso na si Panda Ongpauco Escudero ang Serpenti Viper necklace in 18k white gold, na set with full pavé diamonds na ang estimated cost daw nito ay P11 million.         Same necklace ito na suot […]

  • Kakaiba at very special ang role sa ‘Pamilya Sagrado’: SHAINA, happy na kasama ang mga respetado at magagaling na artista

    GABI-GABI na nating napapanood sa TV5 ang “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual kasama sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Joel Torre, John Arcilla at Shaina Magdayao. Kakaiba sa mga dating role ang ginampanan dito ni Shaina bilang Grace Malonzo. “It’s very special. It is a […]