• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

25k katao na pinaghihinalaang may Covid-19, matagumpay na na-isolate ng gobyerno

MATAGUMPAY na na-isolate ng pamahalaan ang mahigit sa 25,000 katao na pinaghihinalaang mayroong COVID-19.

 

Layon nito na mapigil ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni Sec. Carlito Galvez, chief implementer of the country’s national plan against COVID-19, na may kabuuang 25,430 katao mula sa National Capital Region at Regions 3 at 4A ang kanilang na-isolate.

 

“Kung ito pong 25,000 na ito ay hindi natin na-isolate, ito po ay magti-triple,” aniya pa rin.

 

Idinagdag pa nito na karamihan sa mga taong dinala sa govern- ment isolation facilities ay residente ng “densely populated areas” na mayroong problema sa home quarantine.

 

“Sa Metro Manila, naging aggressive po tayo sa pagkuha sa mga positive doon sa mga areas na hindi po ma-implement na mabuti ‘yung home quarantine,” ang pahayag ni Galvez.

 

Ani pa ni Galvez, maraming Alkalde ang nagpapatupad ng “no home quarantine policy” para sa mga confirmed COVID-19 cases sa kanilang lugar para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

 

“Wala naman tayo magawa. You do it, may masabi sila,” ayon kay Pangulong Duterte. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Baseball legend Joe Morgan, pumanaw na, 77

    PUMANAW na ang baseball legend na si Joe Morgan sa edad 77.   Ayon sa tagapagsalita ng pamilya na nagkaroon ito ng sakit na polyneuropathy isang sakit na nakakaapekto sa mga ugat.   Itinuturing na isa sa pinakamagaling na 2nd baseman sa Major League Baseball.   Matapos ang kaniyang baseball career ay naging baseball broadcasting […]

  • DepEd namahagi ng mga laptop sa Pag-asa Island

    PERSONAL na namahagi ng mga laptop at iba pang school supplies si Education Secretary Sonny Angara nang bisitahin nito ang Pag-asa Island.     Tinatayang 15 laptop ang naipamahagi sa mga guro ng Pag-asa Integrated School kasama ang 43 football at 109 school bag na may lamang mahahalagang suplay.     “With this technology, we […]

  • SYLVIA, tila nagpaparinig kina ARJO at RIA na gusto nang magka-apo; nalungkot dahil ‘di na baby si XAVI

    SA latest Instagram post ni Sylvia Sanchez, ibinahagi niya ang mga photos nila ng bunsong anak na si Xavi Atayde na mas matangkad na sa kanya.     Sa kanilang usapan, “Xavi: Mommy, I’m taller than u na. “Me: bigla akong nalungkot hahaha. Xavikok my baby no more!”     Kaya nasabi na lang ni […]