26-anyos na governor na pumalit kay DILG Sec. Remulla sa Cavite, nagsimula na ng trabaho
- Published on October 15, 2024
- by @peoplesbalita
Agad sinimulan ni bagong Cavite Gov. Athena Tolentino ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng kanilang lalawigan.
Si Tolentino ay dating bise gobernador at umakyat bilang punong lalawigan makaraang mai-appoint ang dating gobernador na si DILG Sec. Jonvic Remulla.
Sa edad na 26, si Gov. Athena ang pinakabata at unang babaeng gobernador ng probinsya ng Cavite.
Ipinanganak siya noong June 11, 1998.
Siya ay miyembro ng National Unity Party (NUP).
Una rito, nanumpa na ang gobernadora kahapon, kung saan sinamahan siya ng kaniyang amang si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, inang si Agnes Tolentino at ilang malalapit sa kaniya.
Ang pag-akyat ni Gov. Tolentino ay kasunod ng appointment ni Sec. Jonvic bilang pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG), kung saan humalili naman siya sa nagbitiw na si Sec. Benhur Abalos Jr.
Nabatid na si Abalos ay tumatakbo bilang senador. (Daris Jose)
-
Marcial ibabalik ang mga laro sa iba’t ibang lalawigan
SINIGURADO ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Wilfrido Marcial na muling darayo ang mga laro ng propesyonal na liga sa iba’t ibang probinsya kung magkakabakuna na sa Covid-19 sa taong ito. “Kapag may vaccine, kahit saan darayuhin ng PBA On Tour,” pahayag ng 59-anyos na komisyoner kamakalawa. “Sana hindi na bubble. Kung may […]
-
After ng post sa IG story ng anak… Mayor FRANCIS, ipinagdiinang walang relasyon sina AMANDA at DANIEL
NAGSALITA na ang First Daughter ng San Juan na si Amanda Zamora na patuloy na nali-link kay Daniel Padilla. Hindi na nga bago ang Star Magic talent sa mata ng publiko dahil napanood na ito sa ‘Pinoy Big Brother Connect’ noong 2021. At ngayon nga ay muling pinag-uusapan ang […]
-
CA natanggap na appointment papers nina DILG Sec. Jonvic Remulla at DTI Cristina Roque
KINUMPIRMA ng Commission on Appointments na natanggap na nga nila ang mga appointment papers ng bagong talagang Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong Linggo, Oktubre 13. At maging ang appointment papers ni DTI Secretary Cristina Aldeguer-Roque. Ayon kay Surigao Del Sur 2nd district Rep. Johnny Pimentel, […]