• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

26 milyong Pinoy sadlak sa hirap – POPCOM

UMAABOT na sa 26 milyon ang mga Filipino na sadlak sa hirap o nasa ilalim na ng tinatawag na “poverty line”.

 

 

Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni Commission on Population (POPCOM) Undersecretary Juan Antonio Perez III ang pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority ukol sa kahirapan sa Pilipinas kung saan ikinum­para ang unang bahagi ng 2018 at unang bahagi ng 2021.

 

 

Sinabi ni Perez na nakita na tumaas ang bilang ng pamilyang naghirap mula sa 4 milyon ay na­ging 4.6 milyon o 23% ng populasyon.

 

 

Ipinaliwanag ni Perez na ang poverty line ay itinakda sa kitang P12,000 kada buwan at hindi umaabot sa nasabing halaga ang kinikita ng nasa 26 milyong Filipino.

 

 

Tumaas ang bilang ng mga mahihirap sa mga lugar na mataas ang na­ging kaso ng COVID-19 katulad ng National Capital Region, Central Luzon, at Central Visayas.

Other News
  • ORDINANSA ng QUEZON CITY TUNGKOL sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT

    Nag viral ang isang kaganapan sa Quezon City ng diumano ay pinaghuhuli ang mga pasahero sa pampasaherong bus dahil wala silang suot na faceshield. Pinababa daw ang mga ito at tinikitan at pinagmulta.  Depensa ng mga nanghuli ay may ordinansa ang QC – ordinance number 2965 – “mandating the wearing of face shield in public transport, workplace, […]

  • Seven months ng walang work, kaya umalis sa ABS-CBN… SHARON, ‘free agent’ na kaya puwede nang tumanggap sa ibang networks

    SA mahabang Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday, nagpahayag ito na forever siyang magiging Kapamilya at patuloy na susuporta sa network kung kinakailangan.   “I have been and will always be a Kapamilya,” panimula ni Mega sa kanyang post.   “I have been with ABS-CBN since 1988, when they were just rebuilding their […]

  • Abra at iba pang lugar na tinamaan ng lindol tuloy ang pagbubukas klase sa Aug. 22

    NADAGDAGAN  pa umano ang bilang mga apektadong eskwelahan sa lalawigan ng Abra at mga kalapit na lugar matapos na tumama ang 7.0 magnitude na lindol.     Iniulat ni Atty. Michael Poa, DepEd spokesperson, na nasa 456 schools na ang naitalang merong infrastructure damage.     Dahil dito bilang alternatibo, sisimulan na rin ang pagpapatayo […]