• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

27 na manggagawa sa online gaming dineport

INANUNSYO ng Bureau of  Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa unang  batch  ng Chinese national  na  dating inaresto  dahil sa illegal na pagtatrabaho sa bansa.
May kabuuan na 27 na mga Chinese national  ay pina-deport sakay ng  Philippine Airlines biyeheng  Shanghai, China.
Nabatid na dapat ay 38 na dayuhan ang dapat na ipa-deport  subalit anim sa kanila  ay walang clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco  na  kinakailangan muna ng anim na indibidwal na ayusin muna ang nakabinbin nilang kaso sa Pilipinas at kumuha ng clearance bago isakatuparan ang pagpapa-deport sa kanila.
“We are committed to ensuring that all necessary legal procedures are followed before deportation,” ayon kay Tansingco .
“This is to guarantee that justice is served and the integrity of our legal system is upheld.”
Ang mga pina-deport  na Chinese national  ay bahagi ng unang inresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)  sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas, Pasay, at  Tarlac.
Target ng nasabing operasyon ay mga illegal online gaming na nagresulta sa kanilang   pagkakaaresto  dahil sa paglabag nila  immigration law.
“The Bureau of Immigration remains dedicated to enforcing our immigration laws and ensuring that foreign nationals who violate these laws are dealt with accordingly,” ayon sa BI Chief.  “Our collaboration with other agencies, such as the PAOCC, highlights our unified effort to maintain law and order in the country.”  GENE ADSUARA 
Other News
  • Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

    APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.     Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.     […]

  • Ads August 17, 2024

  • PDu30, nilagdaan na ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021

    TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o “An Act Establishing the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program Expediting the Vaccine Procurement and Administration Process, Providing Funds Therefor, and for other purposes”.   Layon nitong mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng indemnity fund na P500 […]