2,700 manggagawa maaaring mawalan ng trabaho dahil sa cashless scheme sa tollways
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Maaaring tinatayang 2,700 na manggagawa ang mawawalan ng trabaho sa expressways dahil sa pagpapatupad ng tuluyang cashless toll collection.
Sinabi ni Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) president Rodrigo Franco na may 715 na mangagawa sa kanilang 377 toll booths ang maaapektuhan dahil sa paglipat sa cashless scheme sa kanilang mga tollways tulad ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Cavite Expressway.
“For us the Metro Pacific group, what we are prioritizing now is the retraining of our employees who will be affected by the removal of cash transactions in our toll plaza,” ayon kay Franco.
Dagdag pa niya na ginagawa nila ang retraining upang mabigyan ang kanilang mga empleyado ng mga iba pang kaalaman at mabigyan sila ng iba pang trabaho hindi lamang sa loob ng MPTC.
Doon naman sa hindi matatangap sa mga bagong posisyon sa kumpanya binigyan ni Franco ng katiyakan na makakatangap sila ng “more than what is required under the law.”
“We will follow ang made sure that they are happy with their situation,” wika ni Franco.
Samantalang ang San Miguel Corp. (SMC) ay mayroon 2,000 employees sa kanilang 369 na toll lanes mula sa kanilang pinangagasiwaang South Luzon Expressway (SLEX), Tagalog Arterial Road, NAIA Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway.
Sinabi naman ni Skyway O&M Corp. President Manuel Bonoan na mas marami silang manggagawa kaysa sa MPTC dahil mayroon silang ambulant tellers na siyang kumukuha ng mga bayad sa hanay ng pila sa mga toll booths.
“The affected employees would also be moved to other functions or other projects, or if they prefer to leave the company because of the change, they will also be accorded the same as provided for by law,” ayon kay Franco.
Noong nakaraang August, ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng cashless transactions simula noong Dec. 1 upang mabigyan ng proteksyon ang mga tao mula sa pandemic.
Subalit maraming naging problema ang simula ng pagpapatupad ng nasabing cashless transactions.
Noong nakaraang hearing sa Senate, sinabi ni DOTr secretary Arthur Tugade na hindi talaga nila maiiwasan ang pagkakaron ng cash booths para sa mga emergencies.
Ang NLEX kamakailan lamang ay nagbukas ng kanilang cash lanes sa kanilang toll plazas sa mga expressway.
Sinabi naman ng SMC na mayron din silang isang cash lane kada toll plaza upang ang mga sasakyan na walang RFID stickers ay mapayagan pa rin pumasok at mabigyan ng Autosweep stickers at upang maiwasan ang pagsisikip ng traffic sa sa mga toll plazas.
Samantala, nanawagan naman si Senator Grace Poe na baguhin ang pamunuan ng Toll Regulatory Board (TRB) dahil sa kapabayaan sa pagpapatupad ng cashless transactions. (LASACMAR)
-
Pilipinas, kwalipikado na para sa visa-free travel sa Canada
KWALIPIKADO na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada. Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program. Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan […]
-
Sa kanto: Ang ‘No loading and Unloading’ zones at mga pasaway na driver at pasahero
MADALAS sa jeep o bus, ang mga bumababang pasahero ang sasabihin pag pumara ay “mama sa kanto lang”. Makikita rin natin na madalas nakaparada ang mga jeep na ito sa kanto dahil nandun ang mga pasahero. May mga tricycle din na ang terminal ay sa mga kanto. Resulta – dagdag sa gipit sa trapiko! […]
-
Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU
SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan. Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]