28 PWDs BINIYAYAAN NG HEARING AID SA VALENZUELA
- Published on December 19, 2020
- by @peoplesbalita
PINAGKALOOBAN ng Public Employment Service Office (PESO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Valenzuela City ang 28 Persons with Disabilities (PWDs) ng hearing aid sa Valenzuela City Hall.
Sa pakikipagtulungan ng Humanity & Inclusion (HI), ang mga benepisyaryong hirap makarinig ay sumailalim muna sa serye ng ng pagsusuri sa Hear Sound Health Care Center, at matapos pumasa ay nabiyayaan ng pagkakataong matutong magsalita at makarinig gamit ang isang “assistive device.”
Ang makatanggap ng hearing aid na nagkakahalaga ng halos PhP 50,000 bawat isa ay hindi lamang malaking tulong pinansyal kundi isang biyaya ng pag-asang makarinig at magsalita.
Dahil sa mga nasabing hearing aid, mapag-aaralan ng mga benepisyaryo ang mga tunog sa kanilang kapaligiran at kinalaunan ay inaasahang makabubuo ng mga salita at pangungusap.
Napag-alamang ang pag-aaral magsalita ay madalas na mas madali sa mga taong nabingi nang kahit paano ay natuto nang magsalita ng bahagya.
Mayroon din namang mga nabingi dahil sa pinsala, pagkabantad sa malalakas na tunog o iba pang kondisyon sa kalusugan. Gayunpaman, para sa mga ipinanganak na hindi nakaririnig, mas mahirap na mag-aral pag-aralang magsalita at kinakailangan ng ibayong pagsasanay.
Karamihan sa mga benepisyaryo ay gagamit ng hearing aid sa unang pagkakataon kaya’t imo-monitor ng LEIPO at PDAO ang pag-unlad ng kanilang kakayahang makarinig at makapagsalita.
Maliban sa mga hearing aid, makatatanggap din ang mga benepisyaryo ng mga dehumidifier set at earmold. Sila rin ay isaiilalim sa libreng counseling ukol sa paggamit ng hearing aid. (Richard Mesa)
-
Alcantara, Gonzales exit sa Men’s World Tennis Tour
NAPASIBAT agad ang Philippine bet na sina Francis Casey ‘Niño’ Alcantara at Ruben Gonzales sa ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour double first round sa Naples, Florida nang mabigo laban kina third seed tandem Alejandro Gomez ng Columbia at Israel ‘Junior’ Alexander Ore ng USA, 4-6, 6-1, 10-1. Buwena-manong kompetisyon pa lang […]
-
Usap-usapang lilipat na sa TV station ng mga Villar: Show at kontrata ni WILLIE, magtatapos na ayon sa short statement ng GMA
LAST Saturday, February 5, naglabas ng official statement and GMA Network tungkol sa pag-e-expire ng contract ni Willie Revillame na host ng variety show na Wowowin. Nagsimula itong umere noong May 2015 at sa kasagsagan ng pandemya, nagka-sub title ito ng ‘Tutok To Win’ na kung saan ang dami talaga niyang natulungan na […]
-
Marvel’s 85 Years Promo Spot: Teases ‘Thunderbolts’, ‘Daredevil’ & Red Hulk
MARVEL is turning a new page with some major upcoming projects as the company celebrates its milestone 85th birthday. A new promo spot Celebrating 85 Years of Marvel features a voiceover from the late Stan Lee and several MCU stars, as well as a glimpse at Thunderbolts*, Captain America: Brave New […]