28M Pinoy, nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19
- Published on January 13, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG umaabot pa sa 28 hanggang 30 milyong Filipino ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang 3 milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas.
Dahil dito at sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 cases sa gitna ng presensiya ng mas nakahahawang Omicron variant, umapela si Nograles sa publiko na magpabakuna na at mag- avail ng booster shot matapos ang tatlong buwan ng kanilang second dose para sa two-dose ng COVID-19 vaccine at dalawang buwan matapos ang one-dose Janssen vaccine.
“All vaccines work, regardless of the brand,”ayon kay Nograles.
“Why do we need the vaccine and the booster when we could still get infected with it after? The protection that the vaccines provide comes not just in the form of reducing the likelihood of infection but also risk of developing severe symptoms,” dagdag na pahayag nito.
Tinatayang mayrooong 52.8 milyong Filipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. Sa bilang na ito, mayroong 3.5 milyon ang nakakuha na ng kanilang booster shot.
Sa isang panayam, sinabi naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maaaring i-extend ng gobyerno ang pagbibigay ng primary doses ng COVID-19 vaccine ng hanggang fourth dose.
Tinukoy ang inihayag ng Vaccine Expert Panel, sinabi ni Galvez na maaaring kailanganin ng mga tao ang five doses ng bakuna kabilang na ang booster shot — para makamit ang full immunity laban sa COVID-19.
Sa kasalukuyan, nagbibigay ang pamahalaan ng third doses sa mga senior citizens at immunocompromised individuals, habang ang booster shots naman ay ibinibigay sa mga kompleto na ang primary doses. (Daris Jose)
-
Posible kayang gawin niya ang movie version?: VILMA, sobrang nagandahan sa stage play na ‘Grace’
BIGLAAN kaming isinama ng kaibigan at kapwa-Vilmanian na si Jojo Lim para manood ng stage play na “Grace” na ginanap sa Power Mac Spotlight Theatre sa Ayala Malls Makati Circuit. In fairness, super ganda ang dula, hindi nakaka-antok at walang itulak-kabigin sa mga nagsipagganap tulad nina Shamaine Buencamino, Stela Cañete at marami pang iba […]
-
NEW “BABYLON” TRAILER FURTHER REVEALS TALE OF OUTSIZED AMBITION
THE bigger the dream, the greater the price. Watch the new trailer for Damien Chazelle’s BABYLON starring Brad Pitt, Margot Robbie, and Diego Calva. Only in theaters across the Philippines February 1st, 2023. YouTube: https://youtu.be/Yl7Q5hV7_sU Facebook: https://www.facebook.com/watch/?v=703466391198011&ref=sharing About Babylon Paramount Pictures Presents A Marc Platt / Wild Chickens / Organism Pictures […]
-
DOLE maglalaan ng P2-B na pondo para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19
HUMINGI ng P2 billion na karagdagang pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang financial assistance program sa mga manggagawang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa coronavirus outbreak. Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, na inisyal lamang ang nasabing pondo at kung magkulang ay hihingi muli sila. Umaasa rin ang kalihim […]