• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2nd autopsy sa labi ni Christine, mahalaga – DOJ

Naniniwala ang Department of Justice (DOJ) na malaki ang pakinabang sa ikalawang awtopsiya na isinagawa ng mga forensic experts ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ng flight attendant na si Christine Dacera para mabatid kung ano ang totoong dahilan ng kaniyang pagkamatay bago tuluyang ilibing kahapon.

 

Ito ay sa kabila ng opinyon ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun na huli na para mabatid kung nagkaroon nga ng sexual abuse kay Dacera sa pagsasagawa muli ng awtopsiya.

 

Sinabi ni Fortun na ang “critical time frame” sa naturang eksaminasyon ay sa loob ng 72 oras.  Maaaring nawala na aniya ang importanteng mga ebidensya sa katawan na nalinisan na o kaya naman ay kontaminado na.

 

Gayunman, iginiit pa rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na po­sible na makakuha pa ng dagdag na ebidensya sa ikalawang awtopsiya.  Partikular na hinahanap umano ng grupo ng NBI ay ang bakas ng alkohol o kaya naman ay droga sa labi ni Dacera.

 

Binigyan ni Guevarra ng 10 araw ang NBI para magsumite ng kanilang ulat ukol sa isinagawang ikalawang awtopsiya.

Other News
  • P50K multa ni Chot!

    May katapat na multa ang ginawang pagsugod at pagkompronta ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes sa technical committee at pagmumura matapos ang kanilang 92-94 kabiguan sa Magnolia sa 2022 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules.     Pinatawan si Reyes ng PBA Commissioner’s Office ng multang P50,000 dahil sa kanyang naging reaksyon sa officiating.   […]

  • Paliwanag ng South Korea ibinasura ng FIBA

    IBINASURA ng International Basketball Federation (FIBA) ang apela ng South Korea sa pagliban nito sa FIBA World Cup Qualifiers noong Pebrero sa Smart Araneta Coliseum.     Ayon sa isang ulat na lumabas sa South Korea, isinumite ng Korea Basketball Association (KBA) ang lahat ng dokumento upang ipaliwanag ang kanilang naging sitwasyon.     Kasama […]

  • JED, sobrang nakaka-relate sa pinagdaanan ng ‘BTS’ bago sila naging global superstars; nakaranas din ng anxiety attacks

    NAGING open ang singer na si Jed Madela tungkol sa naranasan niyang anxiety noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.     Sa naging panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz, kinuwestiyon ni Jed ang sarili kung hinahanap-hanap pa ba siya ng maraming tao at kung may career pa ba siyang puwedeng matawag?     “Ang daming […]